Kamalasan 22.
Private Message
“Ako pa sisihin niyan! Hindi ka kasi nakikinig.” sabi niya sakin at tuloy tuloy siyang naglakad.
“Nako! Ang panget mo Kafriendship! Bukas nalang ulit! Good luck sa kuhanan ng cards!” sabi ko sa kanya sabay nag-wave. Ganyan talaga kaming magkaibigan. Siya lang halos palagi kong kasama. Hindi naman kami nag-aaway. Wala naman kasi masyadong nagiging tropa kaming dalawa. Kumbaga, okay na sa aming dalawa na kaming dalawa nalang. Wala pang plastikan.
“Ingat din. Wag ka sanang atakihin ng kamalasan mo.” At yun. Tuloy tuloy na akong naglakad pauwi. Medyo nakakapagod kasi malayo pa yung nilakad ko para lang makarating sa bahay.
Si Rex kasi ang takbo ng utak ko eh. Pano na yan? Kaya naliligaw ako eh. Bigla kong naisip yung bahay nilang maganda. San nga ba yun? Sayang nakalimutan ko kung paano pumunta dun. Edi sana pede ko siyang dalawin. Heart heart. Emeghed!
Pagpasok ko nakaluto na si Yaya. Tapos nakaharap siya sa laptop niya. Naglalaro siya.
“Yaya naman. Pahiram lappy please?” sabay nagpacute ako sa harapan niya. Pero mukhang imbis na pahiramin ako ni Yaya ng lappy mukhang babatuhin pa ko ng walis niyan eh.
“Naku Erah! May laptop ka naman. Use your own nga.” sabi niya sakin. Tinatamad akong tumaas ng kwarto. Saglit lang naman eh.
“Katamad kunin yaya. Magbubukas pa. Ano ba yan. Saglit lang naman magonline eh.” sagot ko sa kanya. Pero mukhang busy kasi hindi niya ako pnapansin.
“Yaya ano ba yang gngawa mo ha?” tanong ko sa kanya pero hindi talga nakibo.
“Nakakagutom. Kakain na ko yaya ah.” sabay hinalungkat ko na yung pagkain doon at kumain nalang mag-isa. Bahala ka yaya sa buhay mo! Maglaro ka kung kailan mo gusto. Pagkatapos ko namang kumain pumunta ulit ako kay Yaya para manggulo.
“Pahiram na Yaya dali! Ang ganda mo eh.” sabi ko sa kanya at bigla ko syiang kinuyog.
“Erah naman. Naglalaro ako oh.” Malay ko kung anong nilalaro niya pero halata sa mukha niya ang pagkadismayado kasi natalo siya sa laro niya. ‘Yan kasi. Ayaw magpahiram! Nakarma tuloy!
“Computer na nga lang ako. Psh.” sabi ko at inopen ko nalang yung computer. Tinatamad kasi akong umakyat para lang kunin yung laptop ko. Dagdag oras pa yung pag-akyat mo dun imbis na nakagamit ka na! Gusto ko lang naman yung lappy ni Yaya eh. Gusto ko sirain. Hahahaha. Joke lang!
Nagfacebook nalang ako agad. Nandito padin ang sabog kong notifications at friend request at feeling ko mas lalo syang nadagdagan. Kaya inopen ko nalang. Pero halos nanlaki ‘yong mata ko.
Rex Garcia.
Accept Ignore.
Pero nadismaya ako sa pagpipilian. Realtalk. Wala bang hug or kiss? Edi sana ‘yon ang pipindutin ko! Nagfafacebook pala tong nilalang na to?! Inopen ko yung facebook na yun. Mamaya kasi poser lang. Pero hindi. Walang post at may picture naman. Tapos ang daming friends. That’s Rex Garcia. Aura niya yun eh.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
Literatura FemininaThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...