Kamalasan 62

3.5K 116 7
                                    

Kamalasan 62

December 16

Tumingin naman ako sa kabilang side. At shet. Ayun pala ang loko! Yung lalaking 5’9 ang height. Yung lalaking may matangos na ilong at maputing balat. Leche, at ‘yung lalaking nang-iwan sa loob ng sinehan! Nakaupo siya at parang..parang nagsusulat? Agad naman akong tumakbo at lumapit sa kanya.

“Hoy! Ano ‘yan!” agad niya namang tinago at ngumiti sa akin.

“Ang dami naman niyang papel? Kailan ka pa nahilig sa papel ha?!! At tska, bakit mo ko iniwan sa sinehan ha? Baliw ka talaga!” sigaw ko sa kanya. Agad niya namang nilagay ‘yung mga papel sa bag niya.

“NagCR lang kasi ako. Nakalimutan kong.—

“Ano?! Nakalimutan mong?” tanong ko sa kanya habang nakapamewang. Parang nanay na nagtatanong kung saan galing ang anak niya.

“Nakalimutan kong may dapat pala akong gawin.. Ano kasi eh.. kalat ‘yung papel sa bag ko.” Hindi nalang ako umimik pa. Ganda kasi ng palusot. Kapani-paniwala talaga grabe!!

“Ano? Di ka na makasagot diyan?! Ang gwapo ko lang ‘no? Tara! Sakay tayo dun!” sabay turo nya sa..wait. Ano daw?! Sa rides!? Wth. The answer is no. I wont. Ayoko! Pinatay niya nga ako sa jeep kanina, uulitin niya pa ulit? Grabe talaga itong lalaking ito! Delikado kasama!

“Ayoko kasi sabi eh! Ayoko pang mamatay! Ethan naman eh! Uwi nalan tayo! Dun nalang tayo sumakay sa jeep! Rides rin naman ‘yun eh!”  sigaw ko habang hatak-hatak ‘yung kamay ko. Naririnig ko palang ‘yung sigawan nila parang hindi ko na kaya! Parang ewan! Parang nanlalamig buong trachea ko! Hindi ko talaga keri! Baka malaglag ‘yung puso ko tapos walang sumalo edi ano? Baka bigla ko pang masamahan si Rex sa hospital!

"Nandito namn ako sa tabi mo eh. Naalala mo ba ‘yung sa sementeryo? Diba? Hndi naman kita binitawan nun eh!" sabi niya sa akin pero hindi pa din talaga ako kumbinsido. Shet naman kasi. Sigurado ba siyang sasakay kami sa rides na ‘yan?! Parang di niya na ako mauuwi ng matino ah. Sa sementeryo kasi, p’wede pa kong mabuhay. Dito? Walang kasiguraduhan!!

"Eh ibang usapan ‘yun e--

"Gawin mo lang ‘to, para sa akin okay? Kahit ngayon lang. Isipin mo kapag sumakay tayo diyan, gagaling si Rex." sabi niya naman kaya natawa ako. Doctor na ba ‘yung rides ngayon?  At dahil dun, napilitan nga ako. Minsan hindi ko na rin iniisip kung hindi ako magustuhan ni Rex. Kahit ‘yung gumaling nalang siya okay na. Kapag gumaling sya edi move on stage na ko diba!

 Pumila na kami tapos parang matatanggal na ‘yung kaluluwa ko nung kami na ung next. Yung tipong gusto kong sumigaw ng ‘ayoko na! Kayo nalang! Natatae ako. Di ko kaya!’ pero hindi eh. Parang ang ganda naman kasing palusot ‘yung ntatae ako at gusto kong magCR doba? As if na may maniniwala sa akin! Ano ba itong pinasukan ko! Kapag may nagkulang na organs sa katawan ko, huhuhu! Sheeet.

"Ayoko na!!”  naglalakad ako pero nanginginig ‘yung paa ko. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganitong rides. Hindi ako wild! Wild ako sa school pero hindi ako wild sa mga rides na parang sinaniban ng mga elepante para sakyan ‘tong mga pamatay na rides na ‘to. Nandito na eh. Wala na ako—

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon