Kamalasan 5
Natigilan ako
May good news ako.
Mag-iisang linggo na akong walang absent at hindi man lang ako nagcucutting classes kasama ang kalog kong kafriendship. Diba? Ang bait ko na! Nagbagong buhay na ako.
Pero syempre, may bad news din.
Sa buong isang linggo na iyon, absent siya. Halos mangiyak-iyak na nga ako kasi wala siya eh. Napipilitan lang kasi akong pumasok ng pumasok kasi nagbabakasakali akong papasok siya kinabukasan. Pero parang nawawalan na ako ng pag-asa. Mag-iisang linggo na siyang absent. Hindi ko nga alam kung papasok ba ako o hindi. Siya lang naman dahilan kung bakit ako patuloy na pumapasok.
Paano kapag hindi na naman siya pumasok ngayon? Nganga na naman ako? Hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive ng isang linggong wala siya. Nakakainis naman kasi. Wala man lang pasabi na aabsent siya o hindi.. pero nakakalimutan ko ata. Sino nga ba naman ako?
Ako lang naman si Erah. Erah na hindi niya man lang kilala.
"Sweeetie! Papasok ka ba ngayon? Ang sipag sipag na talaga ng alaga ko! Nakakatuwa! Ikukwento ko nga sa Daddy m-
"Yaya. Hindi ako papasok ngayon." bigla siyang natigilan sa sinabi ko at nag-iba 'yung itsura niya.
"Hala! Bakit? May nasakit ba sa'yo? Masakit ba ang ulo mo? Masakit tyan mo? Nilalagnat ka ba? Ano? Sabihin mo lang! Nandito ang Yaya mo para alagaan ka." sabi niya habang natataranta at hinahaplos haplos ako.
"Yaya naman eh! Tinatamad lang ako." paliwanag ko sa kanya.
"Bakit ka na naman tinatamad? Diba last week? Hindi ka na ganyan? Ang sipag sipag mo na kaya!!" pagpupumilit sa akin ni yaya pero iniilingan ko lang siya.
"Gutom ka ba?" tanong niya sa akin na parang nag-aalala talaga.
"Hindi po." sabay umiling ulit ako.
"Anong nararamdaman mo?" 'yun ang tanong sa akin na yaya. Tumingin ako sa kanya ng medyo malungkot.
"Yaya, masakit 'yung.."
"Anong masakit sa iyo? Ulo mo ba? Tyan mo? Katawan mo? Ano ba naman kasing pinaggagawa mo Erah ha?" this time super seryoso na talaga ng itsura niya.
"Teka. Kukuha lang kita ng maiinom na gamot." at patayo na sana si yaya pero hinawakan ko siya sa kamay.
"Yaya.. hindi naman po kasi ganun. Ayokong kumain. Ayokong tumayo. Gusto ko lang humiga. Tinatamad ako." bigla siyang natigilan sa akin.
"Eh? Anong narara—
"Masakit po ang puso ko." Pagkatapos kong sabihin 'yun halos malaglag yung panga ni Yaya. Parang iba ang expectation niya sa reality. Hindi siya makaimik. Pero alam ko namang gusto niyang tanungin kung bakit masakit ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...