Kamalasan 21.

8K 149 7
                                    

Kamalasan 21

I still remember you

“Anong gusto mong kainin, pizzababe?” tanong niya sakin habang nasa canteen kami. Halos tatlong araw na kaming ganito. Maraming nagtataka at maraming nagtatanong kung kami nga ba talaga.

“Burger lang. Libre mo ba?” sabay tawa ko. Oo, nililibre nya ako. Yung tipong hindi naman kami pero dinaig niya pa ang isang boyfriend. Masyado niyang pinangangatawan ang pagiging kunwari-kunwariang pagpapanggap namin.

“Asa ka naman! Ikaw naman kaya ang manlibree!!” sabay sabi niya sakin. Ganyan kami simula nung isang araw. Asaran dito, asaran doon. Parang kami nga.  Pero nakakainis yung feeling na hindi ako gaano makalapit kay Rex kasi baka isipin nilang malandi ako. (Kahit totoo naman. Dejoke! Hahaha) At tska, masyado atang busy si Rex eh.

“Sige na nga, ako na bibili.” Tumayo na si Ethan para bumili ng makakain namin. Habang ako? Nakatingin lang kung saan-saan. Namimiss kong maging stalker ni Rex. Napopollute na ako kasama ang nilalang na to. Bakit kasi kailangan sa lahat ng oras siya yung kasama ko?!

Hindi ko nga alam eh. Sinabi lang sakin ni Ethan na tutulungan nya ako kay Rex, pumayag na ako. Sympre siguro dahil umaasa ako sa mga bagay na parang imposible namang mangyari. Imposible at malabo.

Wala rin akong balita sa kanila ni Tricia. Akala ko ba friends na kami? Hays. Parang hindi naman. Parang ganun parin katulad nung dati.

Napatingin naman ako sa may SSG Room. Ayun sya.

At biglang nagkabanggaan yung mata naming dalawa. Ganito nalang ba kami lagi? Forever hanggang tingin nalang ba ako palagi?

“Eto na yung bur—Nakatingin ka na naman sa kanya.” bigla akong napaharap kay Ethan.

“Huwag kang mag-alala. Matapos lang tong pagpapanggap natin, tutulungan kita.” sabi nya sakin. Kailan naman kaya to matatapos? Ang sabi nya kasi 1 month lang. Kaya ba ng pasensya ko ang 1 month? At kaya ko pa ba maghintay ng 1 month?

SANA.

“Paano kapag hindi ka pa rin nya tinigilan after 1 month?” tanong ko sa kanya. Feeling ko nga ganun ang mangyayari. Baka mamaya forever na kaming magpanggap sa kaengotang to!

“Ayun, ayun nga ang hindi ko alam. Baka magpakasal—

“Yuck.” sabay sabi ko sa kanya. Natawa naman sya sa reaction ko. Pnakita naman nya kasi sakin yung itsura nun. Oo nga. May itsura naman eh. Mukhang may attitude lang. Hindi naman sa nanjujudge ako pero hindi ko alam. Ayoko sa kanya eh. Mas ok pa ata si Tricia!

“Wait wait. Asan si Tricia? Bakit hanggang ngayon hindi ko padin sya nakikita?” tanong ko kay Ethan. Dapat alam nya yun! Halos magkapatid na silang dalawa eh.

“Hindi ko alam. Diretso tulog ako kapag nauwi sa bahay eh.” sabi nya sakn habang patuloy sa pagkagat ng burger nya. As usual, pnagtitinginan kami ng mga estudyante dito. Parang nagtataka sila kung bakit ako ang ginilfriend ni Ethan samantalang mas okay pa sila sakin.  Oo, puro ganon naman kasi naririnig ko. Pero everytime na nakakarinig ako nun simula nung isang araw, palagi akong pinagtatanggol ni Ethan. Sabi ko sa inyo eh. Boyfriend material tong si Ethan.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon