Kamalasan 20.

6.5K 163 7
                                    

Kamalasan 20.

Deal

“Anong balak mo?” bigla kong binasag yung katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Tinitigan nya lang ako. Aaminin ko, sumakit talaga yung ulo ko sa haba ng kwinento nya. Pero naintindhan ko naman. Huminga sya ng malalim.

“Yun sana. Magpanggap ka bilang girlfriend ko.” sabi nya sakin. Pero hindi ko mahanap ang rason dun sa kwinento nya kung bakit ako magpapanggap bilang girlfriend nya.

“Bakit?” pagtatakang tanong ko.

“Ayoko ng ganitong buhay. Palaging may nanggugulo. At ang mas matindi. Yung babaeng matagal na matagal nang nanghahabol sakin, natagpuan na naman ako. Nagpakalayo-layo kasi ako kaya antagal kong nawala. Hindi ko akalaing nasa Baguio rin pala yung babaeng baliw na baliw sa akin simula nung grade 6 ako.” kwento nya sakin.

“Tapos gusto nya akong pakasalan. Ayoko naman. Kaya sinabi ko may girlfriend na ako.” seryosong sabi nya. Bakit kasi ang gwapo ng nilalang na to? Andami tuloy naghahabol eh. Kakamatay palang ni Kathie, meron na namang naghahabol.

“Eh hindi ko naman akalaing balak nya akong puntahan dito. Gusto nyang makilala yung girlfriend ko. Kapag wala akong naiharap sa kanya at sinabing patay na talga ang girlfriend ko, sasabihin na naman nya sa tatay nya na ipakasal kami.” Bglang sabi nya sakin. Yung mga ganyang kwento sa tv ko lang naman naririnig eh. Bakit ganto? Nakakabaliw na talga yung buhay ni Ethan!!

“Kakatapos nga lang ng mga problema mo sa buhay, meron na naman?” sabay tawa ko sa kanya.

“Kaya nga hinahanapan ko nang solusyon eh.” sagot nya sakin.

“Hindi kasi pede si Tricia. Baka ipakasal pa nla ako dun sa babaeng yun. Lalo na kapag nalaman nilang mayaman ang tatay nun. Yung tatay kasi ng babaeng yun, nagmamay-ari ng malalaking business company sa Baguio. At paniguradong pipilitin ako ng tatay ko na ipakasal kapag nalamang ganun nga. Kaya tulungan mo ako.. Ikaw lang naman kilala ko eh. Tska.. alam mo ba?” bgla syang natigilan at ngumiti.

 “Andami nyong pagkakaparehas ni Kathie.”  Bigla naman akong kinilabutan sa mga sinabi nya. Utang na loob. Wag naman sanang ganyan yung mga pnagsasabi nya. Takot ako sa usaping ganyan no!

“Uyy! Grabe ka naman.” sagot ko tapos ngumiti na naman sya sakin.

“Siguro nga, namimiss ko lang sya.” at napatingin kami bigla sa langit.

Umuulan na kasi.

Ganito ba kapag nagdadrama kayo? Makikisabay pa yung kalangitan sa mga dinadala nyo? Nakakainis dba?

“Tara. Dito muna tayo sa gilid. Mababasa tayo dyan eh.” At hinila nya ako dun sa may sulok. Hindi kasi kami mababasa dun. Safe pa.

“Ano? Papayag ka na ba?” nag-isip ako. Papayag ba ako o ano? Hindi ko alam eh. Pero talagang naaawa ako sa mga problema nya sa buhay buhay eh!

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon