Kamalasan 14.

6.5K 139 9
                                    

Kamalasan 14.

 ElectricFANS

Hays. Hinampas ko nalang yung ulo ko sa libro ko. Nangarap ka na naman Erah! Binuksan ko nalang yung libro ko at nagsimulang mag-aral..pero hindi ko namalayan. Nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako nung tumunog na yung alarm clock.. este yung boses pala ng yaya ko yun. Yung napakalakas at nakakrinding boses ni Yaya enie! Hahaha. Ganyan naman yan. Kapag sya ang yaya mo, kailangan mong masanay sa malakas na boses at nakakatanggal tutuling sigaw nyan.

Ang aga-aga kong pumasok pero no destiny. Hindi ko parin sya nakikita kahit ang aga ko pumasok. Talgang improving ako ngayon. Bukod sa maaga na akong nakapasok, nagrereview pa ako pero nakaktulugan nalang rn. Kunwari nakakatulog nalang sa sobrang pagod kakareview. Hahaha. Feeling matalino!

“Class. Get 1/4 sheet of paper. This is your first quiz in our 2nd quarter.” At dahil hindi ako gaanong masipag na estudyante.. naglibot libot nalang ako para manghingi ng papel.

“Penge ¼” sabi ko sa mga kaklase ko. Pero pre-prehas lang kaming mga walang 1/4 . Halos lahat nga kami nakatayo. At nung nakatarget kami ng isa naming kaklaseng may ¼ agad agad kaming tumakbo na parang may susugurin!

“Ayun! ¼” sabay sabay naming sabi. Para kaming mga spartans na bgla bgla nalang manunugod. At halos mataranta yung kaklase namin kakabigay ng ¼ samin. At sympre kapag may ¼ ka, imposibleng umuwi kang may laman pa yan. Uuwi kang karton ng ¼ ang dala mo.

Ganon ang nangyari sa kanya. Kawawang bata. Kawawa yung perang gnamit nya para makabili ng ¼ na sila ---este kami lang nakinabang. Kaya nga aykong bumili ng sarili kong ¼. Baka isang papel lang ang magamit mo. At least kapag nanghingi ka, walang bayad dba? Haha. Makakatipid ka pa!

“What’s the noise all about?” bglang harap ng teacher naming kasalukuyang nagsusulat sa blackboard. Pero pagharap nya, lahat kami nakaupo na. Ganon kami kabibilis. Hahaha. Masyado kaming expert sa ganun no!

Up to 20 yung quiz. Hindi naman ako msyadong nahirapan. Pero sabi ng mga kaklase ko, mahirap daw. Pero bakit ako? Parang hndi nga sumakit yung ulo ko. Ibig-sabhn ba nun?

Matalino na ako?

Mala-Rex Garcia na ako?

Nakatabi ko lang si Rex, feeling matalino na agad ako?! Hahaha. Pero realtalk kasi, hindi naman ako nahirapan e. Yung isa kong kaklase patulog-tulog lang with matching tulo pa nang laway. Walang kamuang-muang na nagququiz kami. Hindi man lang sinisita. At kami? Eto nagpapakahira—este sila lang yung nagpapakahirap. Hindi naman kasi ako nahihirapan dito. Physics lang naman to. At alam kong kaka--yanin ko ang Physics Ehem. Me--dyo nabulol lang.

“Rosquetta. 16.” Woah ang taas naman ng score nya. Nagreview kaya sya? Baka mamaya perfect ako. Hahaha. Nakakaexcite namang marinig yung score ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako naexcite marinig yung score ko sa mga quiz!!

Dahil R sya at R din ang surname ko. Malamang ako na ang sunod. Kaya hinanda ko na ang palakpakan ng mga kaklase ko para sa perfect score ko.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon