Kamalasan 42
Drama mode
“Oh tara na. Hayaan mo na ‘yan. Dalhin kita sa clinic gusto mo?” tanong ko sa kanya. Ang amo ng mukha ni Kiel ngayon. Parang umiba sa lahat. Hindi ‘yung Kiel na palaging nang-aaway sa akin. Hindi ‘yung Kiel na palagi akong inaalipusta.
“Erah.. sorry.” Yun lang ‘yung lumabas sa bibig niya. First time ko ulit marinig sa kanya. Ngumiti lang ako bilang pagtugon sa kanya.
“Sorry for everything.” Bigla akong napaharap sa kanya. Totoo ba ‘to? Nagsosorry na siya sa lahat ng nagawa niya sa akin? O baka mamaya ilunod na naman ako kung saan ng babaeng ito ha?
“I’ll forgive you, Kiel. But pleasee. Ipangako mong hindi mo na uulitin ‘yun. At tska, wag mo na ring gawin sa kapwa estudyante natin ‘yung mga ginagwa mo sa akin. Sana magserve ‘to bilang lesson sa’yo. Irespeto mo ‘yung mga taong nasa paligid mo. Sila rin naman makakatulong sa’yo balang-araw. Kung wala ako dito, sino sa tingin mo ang tutulong sa’yo?” hindi siya nakaimik sa mga sinasabi ko. As in speechless.
“Marami nang dumaang estudyante pero hinayaan ka nila. Anong dahilan? Hindi ko alam. Siguro dahil baka isa sila sa mga nagawan mo ng masama. Hindi naman sila palaka para pandirihan mo diba? Hindi naman kami palaka para alipustahin mo. Pero lahat kami parang palaka na kayang ipaglaban ang sarili namin sa taong nang-aalipusta sa amin sa paraang kaya namin.” Bigla siyang napatingin dun sa mga palakang tumatalon palayo. Nagulat nga ako kasi parang nag-iba talaga ‘yung mukha ni Kiel. At mas lalo akong nagulat nung biglang tumulo ‘yung luha niya. At ito pa. Bigla rin syang napayakap sa akin.
“Thank you for making me realize those thing..” bulong niya sakin. Napapangiti ako kasi feeling ko mission accomplished eh.
“And I’ll promise.. from now on, I’ll be a good sister to you.” Napangiti naman ulit ako nun. Wala nang ibang mas sasaya pa kapag ‘yun ang narinig mo. At wala nang mas sasaya pa kapag nabago mo ang isang tao at naayos mo sila.
“Oh sige na. Tara na. Palit ka na uniform mo.” Sabi ko sa kanya at ngumiti.
“Thank you again. Sorry for everything, Erah. I am jealous, really. Lahat ng nakikita mo may totoong kaibigan but me? I don’t have anyone.. Mga fake sila.” Napailing nalang ako sabay sabing dapat na siyang magpakabait. Kaibigan na ang lalapit sa kanya kapag naging mabuti na siya sa kapwa niya. Pagkatapos nun kumuha na siya nang pampalit nang uniform niya. Nagpaalam na ako after nun at naglakad nang may ngiti sa labi.
Minsan kasi kailangan nating gumanti sa isang tao para matauhan sila. At minsan kailangan mo ding ingudngod sila sa karahasan para mahirap palang maalipusta. Hindi naman masamang maghiganti eh. Kung para naman sa ikabubuti ‘yung gagawin mo. Nung una, hindi ko muna inisip ‘yung mga magiging consequences ng mga gagawin ko. Oo nga. Alam kong masama. Pero hindi naman ako hahayaan ni Lord na makagawa nang ganun kung alam niyang hindi maganda ang kalalabasan. Amen!
Revenge is often like biting a dog because the dog bit you. Pero hindi natin alam na minsan dahil sa paghahangad na gusto nating maghiganti sa isang tao, nakakagawa tayo ng dahilan para mapabago at naayos sila. At masaya ako dahil nagawa ko ‘yun kay Kiel. Sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...