Finally!! After ilang weeks, eto na. Ngayon lang nagkainternet ulit at ngayon lang naayos ang laptop ko. Maraming Salamat sa patuloy na nagbabasa ng Reyna ng Kamalas-malasan. Sa mga patuloy na nabili (kahit yung iba nagkakamali ng bili. Hahaha. Magkaiba po yung Reyna ng Kamalasan sa Reyna ng Kamalas-malasan. Paalala ko lang po. Hahaha) Maraming Salamat sa nagppm sakin. Naappreciate ko bawat PM at comments niyo sa akin. Thank you guys. Super thank you but sad to say, hindi pa ata marerelease ang book 2 ng Reyna ng Kamalas-malasan. Wala pa pong nirerelease na book ang LIB ngayon :) thankyou ulit!!
E P I L O G U E (PART I)
by cyclonicflash
“Next.” pinakamagandang salita na maririnig mo kapag nakapila ka at magbabayad ng tuition fee. Feeling ko mapapasayaw ako kapag nagnenext si ateng cashier eh. Ang haba kasi ng pila. Nababagot na talaga ako. At the same time, nagugutom na. Shit. Baka mamaya hindi pa ko makakain kasi magbell na! Pero onting push nalang, mga tatlong tao nalang ako na ang sunod.
Oo nga pala, college na ako. Akalain niyo ‘yun? Nakarating ako sa college? At culinary arts ang kinuha ko. Alam niyo naman, napamahal na rin ako sa pagluluto. Malapit nang mag-isang taon ang nakakalipas simula nang nakagraduate ako ng highschool. Nung una, s’yempre mahirap pero nakayanan ko naman at pipiliting kayanin. Si Jas naman, magteteacher ang bruha. Si Dylan, ayun. Engineering. Iba na talaga kapag matalino. Baka umpisa palang, himatayin na ko kapag dun nag-aral.
“Next.” Shit. Malapit na pala! Ako na ‘yung next sa line. Hinahanda ko na ‘yung sarili ko dahil sa wakas makakain na din ako. Ang saya-saya lang. Gusto ko na ngang itulak ‘yung babaeng nasa cashier kasi ang tagal eh.
“Ay Miss. Pasensya ka na ha? Magsasara muna kami. Lunch break. Balik ka nalang mamayang 1pm.” biglang gumulo ang mundo ko. Bakit ganun? Kapag ako na talaga, magsasara na sila? Ano bang problema sa mukha ko? Maganda naman ako ah. Pero bakit ang malas ko pa din?
Umalis na lang ako nang nang-iinit ‘yung ulo ko sabay naglakad na parang padabog. College na ko pero hindi pa din nawawala ‘yung sumpa ko. Malas pa din. Leche naman ‘yan oh. Ayoko talaga nang naghihintay ako. Naghihintay tapos wala rin namang mapapala. Para kang naghihintay sa isang taong kahit kailan hindi ka naman kayang mahalin..
“Miss—
Pero another kamalasan. Natisod pa ko sa may bato. Hindi ko kasi nakita ‘yung bato. At hindi naman ako nainform na may bato dun. Nakakaleche talaga ito oh.
“Sabi ko sa iyo, magiingat ka.” sabi nung babae sabay ngumiti sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ang tagal-tagal ko na rin sa paaralang ito at magsosophomore na ko pero wala pa din ako gaanong kaibigan. Pero sanay na naman ako, nabuhay nga ako nung HS life ko na halos sila Jas lang ang kaibigan ko.
Huminga naman ako ng malalim. Nakita ko ‘yung pizza stall kaya agad akong pumunta. Bumili naman ako ng pizza pati ng maiinom at umupo dun sa benche. Naalala ko na naman si Ethan. Nakakalungkot talagang isipin. Alam niyo ‘yun? Hindi ko na alam kung ano talagang nangyayari. Wala na talaga. As in wala akong balita sa angkan nila.
Kung tatanungin niyo ako kung nakamove-on na ba talaga ako sa lahat ng nangyari sa buhay ko, masasabi kong siguro, oo. Pero alam niyo ba? Yung papel na pinagkakaingatan ko, palagi ko pa ding dala. Minsan ang sarap na talagang punutin at itapon pero napapangiti lang ako kapag naalala kong nainlove ako noon.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...