Kamalasan 4
Beautiful Nightmare
Tumayo na ako para mag-ayos. 4pm na rin pala at maguuwian na kami. As usual, uuwi ako ng wala si Yaya. Uuwi ako ng walang pagkain. Sariling sikap na naman ito. Inayos ko na rin ang sarili ko. Sinuklay ang buhok ko na hindi ko talaga masuklay-suklay.Halos feeling ko magtatanggalan na lahat ng buhok ko pero ayaw niyang masuklay. Dun ko lang narealize na..may..
Omygulay.
Kamalasan alert again.
Kung sino mang tae ang nagkabit ng bubble gum sa buhok ko at kapag nalaman ko kung sino kayo, kakabitan ko 'yung buong mukha niyo ng isang truck ng bubble gum. Hindi ako nagbibiro at galit ako. Realtalk with matching masama ang tingin.
Nakakainis. Kahit kailan walang matinong nangyayari sa akin. Natutulog na nga lang ako, may maggagambala pa. Anong klaseng buhay ito!? Minsan patahimikin niyo rin naman ako. Day off naman ng kamalasan kahit isang beses lang. Nakakairita.
Nasira 'yung buhok ko at pati suklay ata masisira na din. Ayaw masuklay. Masyadong madikit 'yung bubble gum.
Umuwi ako ng magulo ang buhok ko. Halos nakailang ligo na ako pero walang nangyayari sa buhok ko. Ang dikit pa rin masyado. Nagluto muna ako ng sinaing at tska tinuloy ang pagsuklay sa buhok ko hanggang matanggal at matanggal at tuluyang matanggal ang bubble gum. Ganon ba kaganda ang buhok ko pala dikitan nila ng bubble gum? Insecure talaga sila sa akin.O baka naman 'yung nahigaan ko eh may bubble gum at ako lang ang engot na humiga dun?
Hindi ko na maatupag ang kakainin ko. Hindi nga ako marunong masyado magsaing eh. Si Yaya kasi. Lagi akong love na love. Siya palaging nagsasaing para sakin. At ngayon, bigla nalang akong iiwan mag-isa sa bahay. Paano kapag masunog ang bahay dahil sa akin eh ano? And speaking of sunog? Ano 'yung naamoy ko?
"Teka!! Yung sinaing ko!!" halos mabato ko 'yung suklay at napatakbo ako sa kusina. Wala na. Sunog na sunog na ang kanin at mausok usok pa dito sa bahay. Kung iiwanan talaga ako mag-isa, masusunog na ang buong bahay. Hindi ko na kaya ang ganto.
"Araaay." sabi ko habang patuloy sa pagtanggal ng bubble gum sa buhok ko.
"Awch." patuloy pa din ako sa pagtatanggal hanggang sa onti nalang 'yung natitira na buhok este bubble gum. Nakakainis talaga!
Kumain na din ako ng itim na kanin. Black rice. Ang sama ng lasa. Pero tiniis ko nalang. Ilang araw na lang naman uuwi na si Yay———aaaaaaaaaaaah. Hindi ko na talaga kaya. Kinuha ko 'yung phone ko at agad kong dinial 'yung number ni Yaya.
"Yaya enieeee! Huhuhuhu." pambungad ko sa knya.
"Napakagandang bati naman 'yan bebe Erah ko. Kamusta ang bahay? Bakit ka napatawag? Sa kalsada ka na ba nakatira? Nasunog mo na ba ang buong bahay? Lagot ka sa daddy mo!" pang-aasar niya sa akin. Hindi niya alam na muntik na talagang masunog ang buong bahay namin dahil sa akin.
"Almost, yaya." sabi ko nang mahina 'yung boses ko.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...