Kamalasan 32
Kuya Chris
Nagreply ako at tinanong nung sino siya. Pero hindi naman nagreply back. Para namang nadagdagan ng 1 percent ‘yung confidence ko sa text niya. Pero hindi ko maiwasang magisip kung sino ba siya.
Hanggang sa makatulog ako, siya parin yung iniisip ko. Sino ba siya? Paano niya nkuha ‘yung number ko?
Nagising naman ako ng mga 7PM. Pinabangon ako ni mommy para kumain. Napakadaldal parin ni Kiel as usual. Kung ano-anong sinasabi niya. Pero naiinis ako kasi pinupush niyang mananalo sila bukas!! Hindi naman ako makaimik kasi alam kong babarahin niya ako kapag sumagot ako. Alam niyang wala kaming mentor at paniguradong ako ang dehado kapag sinagot-sagot ko siya.
Wala na ako sa mood kumain kaya umakyat nalang ako. Tuwing dadaan ako sa room ni yaya dati, namimiss ko siya. At kapag sinusubukan ko siyang tawagan, wala namang nasagot.
Wala na naman akong nagawa. Hinanda ko nalang lahat ng gagamitin ko bukas. Pati ‘yung sarili ko. Kung ano mang mangyayari, dapat ready kami. Ready ako.
Maaga akong nagising kinabukasan. 5:00 AM ‘yung assembly namin. Kung may record man ako sa buong taon na hindi ako late, malamang isa ‘tong araw na ‘to. Ang aga-aga dumating nung magmemake up sa amin. Pero ‘yung itsura namin, parang wala sa mood magpamake up? Paano naman kasi diba? May isang tao kaming hinihintay na parang imposibleng dumating.
Si Kuya Chris.
Isa-isa na kaming inayusan ng buhok. Paulit-ulit na sinasabi ni Ms. Dominguez na wag kaming mawawala sa sarili kahit wala si Kuya Chris. Kinausap niya na daw ‘yung administration at susubukan daw wag idisqualified. Pero hindi parin kami kampante eh. Kulang pa rin. At mananatiling kulang.
“Ano guys?! Magpapaapekto nalang kayo kay Kuya Chris?! Ipakita nating kaya natin! Cheer up!” sigaw ni Aiselle. Yung 4th year rin na leader namin sa Cheering squad.
Napapahinga nalang kami ng malalim. Namake-uapan na kaming lahat. Nasuot na namin yung costume namin. Naayos na. Ayos na ayos na lahat. Kami nga ‘yung unang team na nakaayos eh. Pero may hinihintay pa rin kaming tao na imposibleng dumating.
“Mukhang hindi na ata siya dadating.” sabi ko nang mahina.
“Galingan nalang natin.” sagot nung isa ko pang kasama.
“Aiselle! Aiselle! Bunutan na daw kung sinong unang magpeperform!” sabi nung isa naming kasama. Maya-maya kasing 7AM magiistart na ‘yung program. 6:30 palang pero napakaraming tao na. Napupuno na ‘yung place na pagsasayawan namin.
Agad na tumakbo pababa si Aiselle at bumunot na siya. Lahat kami kinakabahan. Natatanaw namin ‘yung bunutang nagaganap mula sa room na pinagaayusan namin hanggang sa stage.
“2nd… 2nd tayong magpeperform.” sabi nung isa naming kaklase.
“Siguro keri na rin.” banggit ko pa.
Nagsalita nalang si Ms. Dominguez ng mga words of wisdom niya. Nakikinig kaming lahat. After niyang magsalita nagdasal nalang kami na sana gabayan kami. Narinig na rin naming nagsisimula na pala ‘yung program doon.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...