Kamalasan 3.

11.5K 222 8
                                    

Kamalasan 3

Hindi napigilan



"Ms. Rodriguez! Where's your assignment?" tanong sa akin ng Math teacher ko. Susmiyo. Ang aga-aga pinag-iinitan ako ng teacher na 'to. Palaging mainit ang ulo niya sa akin. Ang sarap niyang ipasok sa ref. Wala ba siyang ibang makitang estudyante kundi ang magandang si ako?

Pero hindi naman kasi talaga 'yun ang kinaiinisan ko. Wala kasi akong assignment. At paniguradong hindi na naman ako palalagpasin nito. Tuwing nagbibigay kaya siya ng assignment, hindi ko ginagawa. Paano ko naman kasi gagawin? Ang hirap hirap nun! Sasabog 'yung brain cells ko. Pinakaayaw ko ngang subject 'yan eh. Kung gusto mo 'yung subject na yan, aba! Ngayon palang sinasabi ko na sayo, hinding hindi tayo magkakasundo.

"Ahm. Naiwan po sa bahay?" pagpapalusot ko sa kanya. Sabay nagtawanan ang mga kaklase ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Ang sama pa din ng tingin ng teacher na 'to sa akin. Akala mo naman nakagawa ako ng napakalaking krimen! Para niya akong pinapatay sa utak niya. Ang laki talaga ng galit nito sa akin.

"Really? If ever na pauuwiin kita, may madadala ka naman kaya sa hara—

"Sabi ko nga po eh. Lalabas nalang po ako at maglilinis nalang sa hallway." sabi ko sabay tumayo na sa kinauupuan ko. Sabi ko, maglilinis nalang ako sa hallway! Ganito naman palagi 'yung gawain ko eh! Ilang beses na akong walang assignment eh. Ilang beses na rin akong late. Adviser ko pa naman siya. First subject pa naman namin 'yung Math. Nakakainis di ba? Wala man lang warm-up, math agad?  Kaya wala akong choice kundi magcommunity service.

 Halos hirap na hirap na ako sa pagwawalis. Ang laki laki kaya ng hallway ng school! Feeling ko nga mas malaki pa 'yung walis kaysa sa akin eh. Wala nga akong katulong eh. Siguro yung iba nakaassign sa CR. Mas okay na rin dito. Nakakainis talaga. Ginagawa nila akong tagalinis ng school. Pumasok pa ako  kung ganito lang naman ang gagawin namin. Edi sana pala nagapply nalang ako bilang janitor ng school. Sayang ang ganda ko dito. Wala rin naman akong sahod na nakukuha. At nga pala, hindi ko pa siya nakikita. Hindi ko pa nakikita ang prinsipe ng buhay ko. Sana man lang dumaan siya para makita kung gaano kasipag ang babaeng katulad ko.

"Hmm?" bigla akong napatigil sa pagwawalis.

"Wala ka na naman atang winawalis dyan, Ms. Rodriguez. Baka balak mong walisin pati 'yung tapat ng principal's office at pati 'yung SSG Room?" biglang lapit sa akin ng teacher ko sa Math na adviser ko, si Mrs. Soledaridad. Kung siya kaya walisin ko pabalik ng room? Pero s'yempre joke lang 'yon! Mabait akong estudyante 'no! Pero imbis na mabadtrip ako kasi pinag-initan niya na naman ako, biglang nagningning ang mata ko.

SSG Room? Ay?! Bakit hindi? Bakit hindi ko kagad naisip na linisan 'yun?! Agad naman akong nagmadaling pumunta dun dala-dala 'yung basurahan at walis ko. Nagtaka siguro si Mrs. Soledaridad kung bakit hindi man lang ako nagrereklamo!

S'yempre, mas nakakasipag kayang magwalis kapag nandiyan 'yung crush mo. Baka mapansin ka pa niyang naglilinis ka. Edi dagdag ganda points 'yun!

Ito ako, pasilip silip sa may bintana ng SSG room. Kulang nalang ipasok ko ang buong mata ko sa loob ng SSG Room. Palagi namang nandiyan si Rex. Lalo na maglulunch na ngayon. Kung wala siya sa room, posibleng pumunta siya kasi diyan siya palaging naglulunch. Kaya good vibes na naman ako nito kapag nakita ko siya!

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon