HELLO GUYS!! Bukas nga pala nasa MOA ako. SMX. Manila International Book Fair! #MIBF. 1-2pm. Booksigning sa LIB Booth. Sa mga mayroon na ng Reyna ng Kamalas-malasan na book at tska kung wala pa. Available naman ang book doon sa event mismo. May 30% discount pa. Thank youuu! See you guuuys!!! SANA MAKAPUNTA KAYO :)
Kamalasan 53
Birthday
“Aw, sweet naman ng Mommy at Daddy ko.” nagulat ako nang may biglang nagsalita at may biglang gumalaw ng buhok ko, kamay ko, paa ko. Grabe. Ang kulit. At hindi nga ako nagkakamali, ang pinakamakulit na bata sa buhay ko, si Sha-sha. Ang aking anak-anakan.
“Good Morning, Mommy.” sabay kiniss niya ako sa cheeks. Patayo na sana ako ng bigla akong natigilan. Paano ako makakaalis? Ang higpit ng yakap ng aking labidoo. P’wede po bang ganito nalang kami forever?
“Inalagaan mo si Daddy, Mommy?” ngumiti ako sabay tumango kay Sha-sha. Maya-maya naman eh nagising na rin si Rex at agad ding inalis ‘yung kamay niya na nakayakap sa akin.
“Okay ka na ba?” tanong ko sa kanya habang tinitingnan kami ni Sha-sha. Umupo naman si Sha-sha sa may bed.
“Yeah. Ang kulit mo palang matulog. Kung hindi kita hahawakan, nabugbog ka na sa kakalaglag mo sa higaan. Tsk.” Nanlaki ‘yung mata ko.Grabe siyang magtagalog. Nakakapagbilis ng puso! Bigla namang tumingin si Sha-sha sa akin ng weird look.
“Ang kulit mo, Mommy.” bigla akong natawa. Oo, alam ko namang makulit ako matulog. At grabe, tama nga siya. Kung hndi niya ako hinawakan, malamang bugbog na ‘yung mukha at katawan ko kakalaglag ng higaan niya. Mataas-taas pa naman ‘to. Sa bahay kasi, palagi akong sa dulo ng kama natutulog. Sa tabi ng pader at hinaharangan ko ‘yung kabilang dulo para hindi ako mahulog.
After nun, yinaya na kami ni Sha-sha na magbreakfast. Medyo nagulat pa nga si Ethan kasi sabay-sabay kaming bumaba. Sumabay na din siya sa pagkain sa amin. Buti nga wala nang lagnat itong si Rex. Nakakabaliw siya kagabi. Hindi ko maintindhan at masyado talaga akong kinakabahan mag-alaga ng taong may sakit. Mas una pa akong mamatay sa kanila eh. Pero ang nakakagulat lang kay Rex, hindi obvious na nagkasakit siya kahapon. Parang mas lalo pa nga siyang naging gwapo at hot eh!
Wala naman masyadong nangyari ngayong araw. Nagready lang kaming lahat kasi nga bukas na ‘yung birthday ni Sha-sha na gaganapin sa Festival Mall. Dun daw sa may Pixie Forest. At kung tatanungin niyo naman ang mga fake parents ko kung tumawag ko hinanap nila ako, eh wala pa din akong balita. Iniisip ko nga kung may halaga pa ba ako o hinayaan nalang nila ako sa gusto kong paglalayas eh.
Super excited na si Sha-sha. Hindi na siya mapakali at hindi na rin makatulog. Tawang-tawa nga kami ni Ethan at panay pangangasar sa kanya eh. At hindi pa din naman nagbabago, patuloy niya pa din kaming pinagtitripan ni Rex. Kami namang dalawa, uto-uto at sinasakyan ang trip nung bata. Ang swerte ko nga eh. Kasi si Rex, mukhang napipilitan stage. Ako? Nako! Ako pa ba ang aayaw? Gustong gusto ko nga eh.
At the end of the day, ako pa din ang nagpatulog kay Sha-sha. Sa akin pa din siya tumabi dahil gusto niya daw akong kayakap at gusto niya ding katabi si Pingpong. Kinikilig nga akong tingnan ng tingnan si Pingpong kasi naalala kong kay Rex pala galing tong teddy bear na mataba na ito.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...