Kamalasan 11.

7.5K 144 10
                                    

Kamalasan 11.

Kilala

“That boo-brain girl.”

“That boo-brain girl.”

“That boo-brain girl.”

“That boo-brain girl.”

 

Halos lumuwa ang mata ko kakahanap ng meaning ng boo-brain na yan pero wala naman sa dictionary. Pinaka-ayoko pa naman sa lahat yung tumingin sa dictionary kasi feeling ko luluwa yung mata ko sa sobrang dami ng words.

Siguro, nagtataka rin yung librarian namin kung bakit ako nandito. Hindi naman ako mala-library student eh. Parang nga walang library na nageexist sa buhay ko. Buti nga alam kong may lugar na library dito sa school namin eh.

Agad na kong lumabas sa library. Masarap lang minsan tumambay dun kasi de-aircon sya. Marami ngang estudyanteng mas pinipiling tumambay sa Library kaysa sa garden kasi may aircon daw sa library. Ang sakin naman mas gusto ko sa garden kasi fresh air. At tska walang estudyante masyado. Nakakalula rin kasing tingnan yung mga libro pag nasa library ka. Feeling ko hihimatayin ako oras-oras dun eh.

“Kafriendship! Naglunch ka na!? San ka na naman nanggaling?” bungad sakin ni Jas nung nasa pintuan na ako ng room.

“Library.” maikling sagot ko habang papasok ng room.

Halos mabuga nya naman yung kinakain nya at nabitawan nya pa yung hawak nyang kutsara’t tinidor dahil sa sinabi ko.

“Library?! As in?! Library?!” gulat na gulat na tanong nya.

“Oo. Bakit jas? Anong problema mo?” masungit na tanong ko sa kanya. Oo, masungit ako ngayon. BV as in bad vibes ako ngayon. Ano ba kasi yung boo brain na yun?! 

“Library talga?” parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi kong galing ako sa library. Sabi ko naman sa inyo eh. Hndi ako mala-library na estudyante. Kaya tingnan nyo, pati bestfriend ko. Nagugulat sa mga sinasabi ko.

“Oo nga Jas. Ang kulit mo.” sabi ko sa kanya sabay nilabas ko na ang pagkain ko at nagsimula nang kumain.

“San  ka nga ulit galing kafriendship?” tanong nya ulit sakin.

“Bakit ba ayaw mong maniwala? Sa library nga ako galing!” tapos bglang nagtinginan yung mga kaklase ko na parang nagsasabing “Oh talaga? Si Erah? Pumuntang library?”

“Aaah. Bat kayo nakatingin sakin ng ganyan? Masama bang pumunta nang library? Big deal sa inyo kapag maganda yung napunta sa library no?” pagkasabi ko nun bgla na ulit silang tumalikod sa akin. Hahaha! Ano ba? May nasabi ba akong hindi maganda? Bastusan lang? Haharap harap tapos kapag sinabi kong maganda ako tatalikod ulit sila na parang wala silang narinig? 

“Eh bat ka pumuntang library? Tatanungin ko nga kay Mrs. Doctor mamaya!” sabi ni Jas na halos mabulunan sa mga sinasabi nya. Grabe talga. Hindi ba ako mukhang kapani-paniwala na pumunta ako sa library at kailangan pang tanungin kay Mrs. Doctor? Sya yung librarian namin eh.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon