Kamalasan 43
Lovestory
“Class. I will discuss something important to you.” bigla kaming nanahimik lahat. Kahit naman magugulo kaming estudyante kapag feeling namin importante talaga, tumatahimik kami.
“Think of someone na kinaiinisan niyo pero there’s still something to him na gustong gusto niyo.” pagkasabing-pagkasabi nun, isa lang agad ang naalala ko. The one and only.. Rex Garcia.
Oo, kinaiinisan ko siya. Bakit ganun ang ugali niya diba? Bakit ayaw niyang makihalubilo sa iba? At bakit nileletche niya ang buhay ko? Bakit niya pnasasakit ang ulo ko? At hindi lang pala ulo, pati puso.
“Nakaisip na ba kayo?” lahat kami sumagot ng “oo” which is unusual sa klase namin. Dito kasi, kapag hindi talaga namin alam, humihindi agad kami. At kapag ayaw talga naming mag-isip, hindi kami mag-iisip.
“Then, it’s good. You all should write about him/her. 5 things that you hate about them & 5 things you love about them. Pero s’yempre it will take time para pag-isipan niyong mabuti kung ano ba talaga ‘yun. Hindi niyo ipapasa sakin ‘yan. Just be honest. Gumawa kayo.” Hawak na naming lahat ‘yung papel pero bigla kaming natigilan. Hindi namin ipapasa? Eh bat kailangan pa naming gumawa? Minsan lang kami magsipag ng ganito. Kapag usapang lovelife at medyo tungkol sa lovelife, nagigising ang mga tulog naming pag-uutak eh! Normal na siguro sa mga estudyante ‘yun ngayon.
“Pag-isipan niyong mabuti. And Im telling you guys, kapag hindi niyo ‘to ginawa. You will regret someday. Hindi naman porket hindi ko na kukunin ‘yan, walang mangyayari. Hindi nga sa grades niyo malalagay pero siguro.. sa puso niyo may mangyayari.” Hindi naman maintindihan ‘yung nais na iparating ni Ms pero mukhang maganda naman. Lahat kami napapa “ha” pero at the end, wala kaming nagets.
“Marami nang nagkatuluyan dahil lang sa papel na ‘yan. And to be honest with. I and my husband was one of them.” At halos nagningning ‘yung mga mata namin. Lahat ng tenga namin nakabukas para marinig ‘yung bawat sasabihin ng teacher na nasa unahan namin.
“Talaga Ms? P’wede na po bang gumawa ngayon?! Gusto ko nang makilala ‘yung soulmate ko eh!” sabi nung isa kong kaklase. Nagtawanan naman kaming lahat kahit si Ms. natawa rin sa amin.
“By the way, isulat niyo pala sa isang papel. Dahan dahan lang. Obserbahan niyong mabuti ‘yung taong napili niyo. Yung format isusulat ko sa board.” Tahimik kaming lahat habang kinukuha ni Ms yung chalk sa board namin. Itong teacher na ito, bentang benta to sa amin eh. Parang nagiging teacher namin siya tungkol sa love. Napakaexpert at napakahusay. Sabi niya dati marami na daw nangyari sa buhay niya. Pero hindi niya nakukwento kung ano ‘yun. Palagi rin isyang nakangiti. Hindi mo mahahalatang may problema siya. Kahit gaano na kataranta ‘yung ibang teachers, nagagawa niya pa ring ngumiti. Ganun siya eh. Nagiging idol ko tuloy siya. Iba siya sa mga teachers na nakilala ko.
Yung format na sinulat niya sa board eh madali lang naman. May nakalagay dun na space at dun mo isusulat kung kailan mo sinimulan. At s’yempre mayroon ding nakasulat kung kailan ang pinaka last day mo na sinagutan ‘yun. May mga blanko ‘yung 1,2,3,4,5. Kami na ang bahalang sumagot. Limang katangian na kinaiinisan ko sa kanya. At limang katangiang gustong gusto ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...