Kamalasan 63

3.8K 111 9
                                    

Hello guys! Bago ko muna ipost tong Kamalasan 63, malapit na ata lumabas ang book 2, 3 & 4 ng Reyna ng Kamalas-malasan. Wala pang exact date. Enjoy reading. Malapit na ending. 

Kamalasan 63

Ethan Garcia

“Doc! Doc! Kindl—

“Please procee-

“Room 12—

“Doc! Do—

“Seriously—

“Maawa na po na kayo!”

“Oh my..”

“Please save my son!”

“Excuse me!”

Magulo. Napakagulo. Para kang nasa giyera. Hindi mo alam kung anong gagawin mo. Kung dadapa ka ba o ikakasa na ang baril? Wala kang maintindihan. Lahat ng tao hidni na mapakali. Sari-sariling buhay na ng mga kamag-anak nila ang nasa bingit ng kamatayan. Makikita mo sa bawat mata nila kung paano sila nag-aalala, nagluluksa at naghihinagpis. Para silang langgam na hindi na alam kung saan susuot dahil nalalapit na ang tag-ulan. Hindi nila alam kung saan sila pupunta. May mga taong nag-iiyakan na halos mamatay na at may mga taong nagmamakaawa pa. Iba’t ibang scenario ang masasaksihan mo pero iisa lang ang maaaring mangyari. Mga scenario na ayaw mong makita pero ito ka ngayon, isa ka na rin sa mga taong nakakakita nito. Para akong nasa panaginip na walang kahahantungan. Nabibingi ako. Nakakarindi ang ingay ng bawat isa na tila walang gustong magpaawat.

 

“Parang..” bawat iyakan nila, maririnig mo. Bawat lugar na iikutan mo, may mga taong naghihinagpis. Lahat napapatanong kung ‘ito na ba? Ito na ba ang huli?’ Ito na ba ‘yung tinatawag nilang human suffering? Nakakapanghina makita ang mga pagmumukha nilang punong puno ng kalungkutan. Hindi ko alam kung saan rin ako pupunta. Parang kasapi na rin ako ng mga langgam. Ganito pala ‘yung feeling. Tunog lang ng ambulansya at mga senyales na may dadalhing pasyente sa emergency room. Nakakapangamba, nakakapanghina.

Hindi mo makikita ang diwa ng pasko. Lahat ng tao na nasa loob nito, mistulang kinalimutan ang araw ng kapanganakan Niya. December 24 ngayon. Nandito ako. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng sarili ko dito. Parang may humikayat sa aking pumunta dito. Ayoko na siyang makita sana pero ano na namang kashungaang pinaggagawa ko? Parang ayoko pa rin siyang layuan. Mahirap. Napakahirap.

Ngayon ko lang naisip na kahit pala sa ganitong petsa ng kalendaryo, may mga taong nalulungkot, naghihinagpis at nasasaktan. Akala ko noon, kapag pasko, masaya. Hindi ganito. Hindi ganyan. Pero ano itong nakikita ko? Ito ba ‘yung realidad? Na may iilan sa atin na nawawala ang pasko dahil sa mga nangyayaring ganito?

Pero lalo akong nanghina nang masilayan ko kung sino ‘yung pasyenteng takbo-takbo nila. Nanghina ‘yung buong katawan ko, pati ‘yung tuhod at kamay ko.. Ayaw nilang magfunction. Sa mga nasisilayan ko ngayon, para bang gustong gusto ko nang tumumba at mag-iiyak. Pero pinilit ko pa ring tumakbo. Pinilit ko pa ding sabayan ang doctor at habulin ang pasyente. Nagtatakbo ako. Takbo.

“Wait! Saglit lang! Maawa kayo! Rex!!”

“Rex!!” sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa akin. Mas lalo akong nanghina. Kasabay nang pagtumba ko ang patuloy na pag-ayos ng luha ko. Hindi ko na sila naabutan. Kaya ba naramdaman kong gusto kong pumunta dito dahil ganito ang mangyayari? Shit. Pati ba naman ako masisira na rin ang pasko ko? Paano na? Hindi ko na alam.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon