Kamalasan 17.
Ultimate Crush
“At ganon nga ang nangyari.” sabi ko kay Jas habang kausap ko sya sa telepono. Speechless ang peg ng loka. Parang hindi makapaniwalang nangyari sa akin yung mga kwinekwento ko. Sumasakit daw ang ulo nya sa mga pnagsasabi ko. Baka daw nanaginip lang daw ako!
Yun nga din ang akala ko nung una. Pagkauwing-uwi ko nun, nagpasampal ako kay Yaya kasi hindi talga ako makapaniwala. Feeling ko lumalovelife na agad ako kahit wala pa. At for the first time, walang Tricia na nanggulo at nanghila sa labidoo ko.
Bukod pa dun sa let’s-be-friends-moment namin ni labidoo. Akala ko nga hanggang dun nalang yun pero may mas mga nakakakilig at mga kalandiang moments pa ang naganap! Hahahahaha. Ganto kasi yun.
**
“Fine. Let’s be friends.” At inabot nya ang kamay nya sa kamay ko. Kinilig talaga ako nun. Feeling ko buhay na buhay ang dugo sa katawan ko. Hahahaha. This is it na po ba Lord?
“Talaga? Friends? Ayaw mo nang more than friends? Hahaha. Joke” at hindi na naman sya sumagot. Nakakapandismaya naman! Hindi pinansin yung joke ko. Siguro kailangan ko nang masanay na hindi sya palasagot sa mga taong kumakausap sa kanya.
“At dahil friends naman tayo, tara! Samahan mo ako.” bgla ko syang hinila. Hindi ko rin maintindhan sa sarili kung anong trip ba akong pumasok sa kukote ko. Ang gusto ko lang naman..makasama sya. Haha. Masaya na ko run. Hindi naman ako yung babaeng naghahangad na maging kami. Friends lang, sapat na. Haha. (Weh?) Haha. De joke.
Tapos alam nyo kung san ko sya nadala? Sa pizza place na naman.
“Anong gagawin natin dito?” at yes. Nagtagalog na naman sya. Hahaha. Medyo nakakatuwang pakinggan kasi ilang words din ng tagalog yun. Sana humaba-haba din minsan yung paggamit nya ng tagalog words. NakakaOP kasi kapag puro english. Hahaha.
“Pizza.” sagot ko sa kanya at ngumiti.
“Ms. Can I order some pizza?” sabay tinuro ko dun sa bibilhin ko. Buti nalang may pera pa ko at nalibre ko sya.
Inabot na samin yung pizza nang may ngiti sa labi yung babae. Ang ganda talgang tingnan kapag nakangiti yung tindera. Kaysa naman yung nakasimangot diba? Parang nakakawalang ganang bumili.
Isang beses nga naalala ko, bumili ako ng load dun sa may tindahan na malapit sa may bakery, tapos wala akong baryang piso. Ang sabi nya sakin hindi nya daw ako pagbebentahan ng load kapag wala akong piso. Edi nangutang pa ako nun. At simula nun hindi na ako bumalik. Palagi kasi BV yung nagtitinda. Akala mo naman may ginawa ako sa tindahan nila. Buti sana kung ninakaw ko yung buong paninda dba?
“Gusto mo? Kapag hindi ka kumuha, ipapakain kita sa ipis. Hahaha. Pero sympre joke lang! Kuha ka na oh.” sabay umupo ako dun sa may upuan sa may store. Sumunod naman sya habang nakalagay pa din yung kamay nya sa bulsa nya. Napakacool nyang tingnan. Pero hndi nya nga ako masyadong pnapansin. Buti nga napasunod kong samahan ako eh.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...