Kamalasan 60

4.1K 113 8
                                    

Hello guys! Kamalasan 60 na. Sorry at nalate ako ng update ko. Super busy at sobrang stressed talaga ako. Maski ipost man lang yung update hindi ko magawa. Nakakaiyak diba? Pero feeling ko magiging active ako ngayong walang pasok!! Advance Merry Christmas guys!! Pamasko ko? Hahaha!!

Kamalasan 60

Our lovestory 

“Hindi namatay ‘yung mommy ko sa car accident. Gawa-gawa lang ‘yun ng tatay ko.” Biglang lalong tumulo ‘yung luha niya. Alam ko naman kung gaano niya kamahal ‘yung Mom niya. Kumbaga, mawala na sa buhay niya huwag lang ang babaeng pinakamamahal niya. At s’yempre number one na dun ang mama niya. Kaya nga siya galit na galit sa tatay niya kasi kung ano anong kabalastugan ang ginawa na parang hindi nirerespeto ‘yung mom nya.

“Nalaman ko ‘yan nung panahong inatake si Rex. Nung bago mag-undas. Kaya gulong-gulo ako nun. Pasensya ka na pati ikaw muntik pang madamay.” sabi niya sa akin. Hindi muna ako umimik. Nanahimik muna ako. Gusto lang siyang pakinggan..

“Namatay si Mom sa isang heart disease. May sakit pala ang mom ko. Pero mas lalong lumala nung nalamang may ibang babae ang Daddy ko. Shit lang. Hindi ko nga alam kung kaya ko siyang patawarin. Binalak niya pa akong ipaarrange marriage kay Lindsay kasi nalulubog na ‘yung kompanya namin sa utang. Shit. Damn! Hindi ko alam. Nalilito ako. Kung sila Lindsay ba ‘yung nalulubog o ‘yung kompanya namin? I really don’t get it.” sigaw niya habang napapasuntok dun sa puno. Hinawakan ko lang siyang mabuti kasi baka mamatay biglang tumalon itong lalaking ito. Mahirap na. Tsk. Pero bigla akong natigilan. Heart disease? Don’t tell—

“Kung iniisip mong heart disease ang sakit ni Rex, tama ka. Nasa history daw kasi ‘yun. I’ll tell you something. Noong bata pa kami, mahina na talaga resistensya niya. Ni hindi nga ‘yan pinalalabas ni Dad eh. Ako naman kahit dun ako tumira sa labas mukhang wala naman silang pakialam sa akin. Ni hindi nga p’wedeng pagpawisan ‘yan noong bata pa kami eh. Ni hindi rin pinapaligo sa ulan kasi naglalagnat siya agad. Kaya nga noong bago magbirthday si Sha-sha, nilagnat agad siya kasi nabasa ng ulan. Hindi ko alam kung symptoms rin ba ‘yun o talagang sakitin lang siya.  Ako naman, araw-araw akong naliligo sa ulan pero nung nagkasakit ako, si Manang ang nag-alaga sa akin. Nasa hospital kasi nun si Rex.” Bigla akong natigilan. Pinigilan ko ‘yung luha ko pero mas lalo akong naiyak. Pero hindi pa din ako nagsasalita. I’ll just listen.

"Naalala ko pa nga , nung nagbakasyon kami. Niyaya kong maglaro si Rex ng taguan at habulan. Malay ko bang mapapagod siya nun. Hingal na hingal pa nga siya at parang hinahabol niya ‘yung hininga niya hanggang sa nahimatay siya. Buti naman walang nangyaring masama sa kanya nun. Ako ‘yung sinisi ni Dad nun. Ako naman palaging may kasalanan. Wala naman akong magawa. Ako naman talaga ‘yung may kasalanan eh. Sa totoo lang, gusto ko lang talagang mapasaya siya nun. Naaawa kasi ako sa kanya kapag nalulungkot siya na hindi niya magawa lahat ng gusto niya. S’yempre, gusto niya ring maranasan ‘yung nararanasan ng ibang bata.”  sabi niya. Hinga lang siya ng hinga ng malalim. Para bang may dinudukot siya sa diaphragm niya. Mas lalo naman akong napaiyak.

“Wag ka nang umiyak. Hindi gagaling si Rex sa iyak na ‘yan. Tska hindi talaga niya pinapakitang may pakialam siya sa isang tao. Kasi sabi ni Dad, sasaktan siya lahat ng tao. Walang magmamahal sa kanya kasi may sakit siya. Hindi niya na sinubukan pang magmahal kasi akala niya sasaktan lang siya nang lahat at masasaktan niya rin ‘yung mamahalin niya..pero..Erah..” bigla akong natigilan nung tumingin siya nang maamo sa mukha ko.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon