Kamalasan 27.

6.3K 135 11
                                    

Kamalasan 27

Ang Paglipat

“2 tsp baking powder.” sabi ko habang hinahanap ‘yung bawat ingredients na dala ng mga kagroup ko.

“Teka nasan yung cocoa?” pagtatakang tanong ko dahil hindi ko makita yung cocoa. Sabi pa naman ni Ms. kapag kulang ang ingredients bawal bumili sa labas. Hindi kami magbebake kapag kulang ‘yung ingredients.

“Shet. ‘Yung cocoa?” tanong ko. Hindi ko makita yung cocoa. Kanina naman nandito yung cocoa eh.

“Letcheng cocoa na ‘yan! Uy Abby nakita mo yung cocoa?” tanong ko dun sa isang kamember namin. Umiling lang sIya at nagsimula na ring maghanap ng cocoa.

“Diba hawak mo kanina ‘yung cocoa, Erah?” sabi nung isa kong kagroup. Hawak ko ba ‘yun? Ang alam ko kasi binitawan ko ‘yung cocoa sa may lamesa. Eh bakit biglang nawala?

“Imposible namang may kumuha ng cocoa natin.” sabi nung isa naming kagrupo. Oo nga. Imposible pero posible. Lahat naman hahamakin namin, makapagbake lang eh.

“Paano na tayo makakagawa ng chocolate kung walang cocoa? Eh special ingredients pa naman natin ‘yun.” dagdag pa nung isang kagroup namin. Halos marindi ako sa mga sinasabi nila. Nasan ang cocoa? Nasan? Diba hawak mo kanina? Naririndi talga ako. Operating : Nasaan ang cocoa ang peg namin ngayon.

Pagkauwing pagkauwi ko kahapon  nag-aral na agad gumawa ng chocolate cake. Pinatikim ko pa nga kay Dad, Mom and Kiel. Sabi naman nila, masarap daw. Masyado ko talagang kinareer ‘yung pagluluto ko. Dinalhan ko pa nga si Ethan kaninang umaga ng example ng bake ko ng chocolate cake eh. Nagustuhan niya pa nga eh. Tapos ngayon?

Hindi matutuloy ang pagbabake namin dahil sa lintik na cocoa na ‘yan?!

“Hindi p’wede to. P’wede bang gumawa ng cake na walang cocoa?” halos desperadang tanong ko. Alam ko namang hindi kami makakagawa ng chocolate cake kung walang cocoa eh.

“Leader! Ano nang gagawin natin? Uupo na ba tayo? Wala tayong cocoa eh.” sabi nung isang groupmate namin. Nung isang araw kasi, pinaguusapan palang namin nila Ms ‘yung tungkol sa pagbebake namin. Tapos kahapon, inannounce niya na ngayon na daw kami magbebake. Kaya super nakakataranta. Yung feeling na mapapakanta ka nalang ng Natataranta~ ni James Reid! Ahh! Ano ba ‘tong iniisip ko!

“Erah! Nand’yan na si Ms. Ichecheck na ‘yung mga ingredients natin.” Halos nanlulumo na sabi ng isa pang naming kagroup.

“Wala bang may dalang extra cocoa sa inyo?” tanong ko. Gusto ko isave ‘yung group namin. Pero wala naman akong magawa. At paniguradong wala kaming grades sa baking kung hindi kami makakapagbake ngayon.

“Shet.” bulong ko dahil papalapit na yung teacher namin sa amin. Kinakabahan na ako. Ikaw ba naman kasi maging leader. Napakawalang kwenta kong leader. Hindi ko naman kasi alam kung bakit bigla biglang mawawala yung cocoa na ‘yun. Nakakaloka kaya!

“Hello. Good morning. Group?” tanong nung teacher namin. Napapahinga nalang ako ng malalim. Lahat kami nag-aalala na. Lahat din kami naghahanda nang mapaalis sa bawat lamesa namin.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon