Kamalasan 9
Tricia Alcantara
Wala namang mangyayari sakin kung habangbuhay akong makokonsensya sa mga nasabi ko dahil nakasakit ako ng isang tao.Pero may mangyayari talga sakin kapag nalaman ni Yaya na hindi na naman ako pumasok ng school.
Kaya dahan dahan ko lang sinarado yung gate at dahan dahan at napakaingat kong pumasok sa loob ng bahay. Ni-konting kaluskos wala kang maririnig sa tuhod ko. Magpapalusot nalang ako kay Yaya na kanina pa ako nandito at hndi nya lang ako napansin dahil nga nasa kusina sya.
Naririnig ko pang parang nagsasalita si yaya dun sa kusina o baka naman nakanta lang sya? O baka may kausap sa phone? Hay nako yaya. Hindi mo talaga mamamalayang nakauwi na yung alaga mo at hindi mo rin malalaman na hindi siya pumasok ng school at nagcutting classes na naman sya.
Pero lahat nang yun biglang nawala dahil lang sa isang bagay.
Kamalasan for today. Natapakan ko yung extension na naging dahilan ng pagkahugot ng maraming cord na naging dahilan para makagawa ako ng ingay at mataranta. Pagkalakad ko ng patalikod may natapakan na naman ako na kung ano at sa hindi maipaliwanag na dahilan nagkaroon ng mala-fireworks display sa sala namin.
To the rescue na naman ang Yaya ko!
“Ahhh! Ano na namang nangyayari sa bahay? Susunugin mo ba talaga Erah yung bahay natin?” pagsasabi ni yaya habang inaayos nya yung mga saksakan dun sa gilid. Ako feeling ko natrauma na akong maglakad ng dahan dahan eh.
“Eh kasi yaya..” paliwanag ko pero hindi nakikinig si yaya.
“Yaya naman. Sorry na. Palampasin mo nalang to. Pag nalaman to ni daddy, grounded na naman ako.” sabi ko sa kanya pero parang desidido na atang sabihin ni yaya kay daddy ang mga kalokohan ko.
“Kafriendship naman kasi! Bakit kasi nagcutting ka na naman?! Sino na naman yung kasama mo magcutting? Imposibleng nagsolo ka!” bglang nagsalita si Jas. Sya nga ang dahilan kung bakit nalaman ni yaya na nagcutting ako. Oo, nandito sya. Pumunta sya samin para tanungin kung bakit ako absent pero sabi nga ni yaya, pumasok ako.
Pero sa totoo lang, nagtatampo lang naman yan si Jas eh! Hahahaha. Hindi ko kasi siya sinama magcutting! Ayan tuloy! Nanumbong kay yaya! Hindi ko naman kasi sya nakita kanina eh!! Malay ko ba.
“Hindi naman talaga ako nagcutting eh.” paliwanag ko sa kanilang dalawa.
“Hindi mo kami maloloko, Erahlyn.” At this point. Seryoso na talga si yaya. Buong pangalan ko na tlaga ang binabanggit nya. Erahlyn na talaga. Hindi sweetie o kung ano.
“Yaya naman eh! Sorry na talaga. Wag mo nang isumbong kay daddy! Ayoko pong magrounded. Huhuh.” Pagmamakaawa ko kay yaya. Sana naman umepekto eh.
“Hindi pede. Kailangan talaga ng daddy mong malaman yan! Sa ayaw at sa gusto mo. Dapat nilang malaman yan. Para sayo rin naman to Erahlyn. Kung hindi ka susunod sa akin, siguro naman sa daddy mo, susunod ka?” pagkatapos sabihin nun ni yaya, tumaas na ako sa kwarto ko. Wala na akong sinabing iba pa. First time kong makitang ganun sakin si yaya. Oo sabihin nating concern sya sakin. At ayaw nyang nagsisinungaling ako. At alam ko namang mali padin talga ako. Pero sana.. sana wag nya munang sabihin kay Daddy.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...