Kamalasan 28
Tulong
“P’wede pong pumasok?” mahiya-hya kong tanong. Lumabas naman yung nagtuturo. Si Dylan nga. Yung nerd.
“Ah—eh.. sige..” sabi niya sa akin. Medyo awkward. Bakit ganun? Palagi siyang nahihiya.
“An—o—upo ka—nalang d’yan.” sabi niya sa akin na parang nabubulol bulol pa. Parang ang sarap hilahin ng dila niya realtalk.
“Ako nga pala si Erah. Pinalipat ako ni Ms. Zhang dito.” tapos tumango lang siya. Nagsimula na siyang magdiscuss. Math daw ‘yung ididiscuss niya. Kahit paaano nakaconcentrate naman ako. Pinaliwanag niya ‘yung Cartesian plane at ibat iba pa. 1 week lang naman kami magreremedial eh. At pang 3 days na ngayon. Siguro hinahanap ako ni Ethan eh ano? Hindi niya kasi alam na hindi na ako dun papasok eh.
Sa dami naman ng pinaliwanag ni Dylan, naintindhan ko naman. Pinagkasya kong pumasok lahat ‘yun sa paguutak ko. Hanggang nakasurvived na naman ako ng pangatlong araw. Pero bago ako lumabas tinawag ko yung nerd.
“Dylan!” humarap naman siya sa akin.
“Salamat ha. Ang galing mo palang magturo.” ngumiti siya at napakamot sa ulo. Kahit feeling ko kulang pa siya sa self confidence, naniniwala akong mas lalo pa siyang gagaling. Palakad na sana ako palabas pero bigla siyang nagsalita.
“Erah. Salamat rin.” Nginitian ko lang siya. At lumabas na ako ng room. Nakita ko naman agad si Ethan na naghihintay sa akin.
“Lumipat ka pala. Tinototoo mo ‘yung sinabi mo. Pizzababe talaga. Namimiss na kita. Ang daming nalandi sa akin dun!” nanlulumo niyang sabi sa akin.
“Kaysa naman nandun ako. Wala akong maintindhan. Nagbabagong buhay na ako.” Halos mapaweh siya sa sinabi ko. Natawa nalang ako.
“Huwag mong sabihing kinikilig ka pa din sa pagkuha ni Rex ng cake niya ha!” sabay asar sa akin. Bigla na namang nagflashback sa utak ko ‘yung mga pangyayari kanina. Bigla pang lumabas sa room nila si Rex. At nagtama ‘yung mata namin.Nginitian ko siya. Pero nagulat ako. He smiles back. Teka? Namamalikmata ba ako? Shet! Laglag ang puso ko don!
Si Rex ba yun!? Feeling ko heaven feeling na naman. Kotang kota na naman ako ngayong araw. Grabeng kilig vibes na ‘yung nagagawa niya. Sino ba naman kasing hindi mababaliw kapag nginitian ka ng isang Rex Garcia na running for valedictorian na sobrang macho na gwapo na ang bango bango pa?! Sinong hindi mababaliw dun?
“Syet Ethan! Nginitian niya ako!!” sabay hampas ko sa kanya ng mahina. Nakatitig pa din ako kay Rex habang naglalakad siya papalayo.
“Hanggang pangarap nalang ba? Pero grabe talaga. Ang gwapo niya ngumiti!!” sabay sigaw ko. Gusto ko ngang magtatalon sa tuwa at saya ngayong araw eh. Parang sumasakit na nga yung ulo ko sa kabaliwan eh. Grabe kasi si labidoo. Masyado akong pinabaliw!
“Lakas talga ng tama—
Biglang tumunog yung phone ni Ethan. Sinilip ko naman kung sinong natawag. Shet. As in syet na malagkit!
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...