Kamalasan 66

4.8K 124 12
                                    

Kamalasan 66

Leche flan

“1st destination.” sabay tinulak ko ‘yung pintuan ng barber shop at pumasok siya oon. Pero parang natakot naman siya.

“A—ayoko. Ayokong pagupitan ito—ng bangs ko.” Ang sarap niyang sampalin para magising sa katotohanan. 

“Masyado mong tinetreasure ‘yan! P’wede mo namang ibalik ulit eh!” sigaw ko sa kanya. Nakakainis ha. Ako na nagmamabuting loob tapos ganito?

"Ayoko! Ta--ra na--- hinila ko parin siya hanggang sa matumba kami dun sa may pintuan. Lumabas naman ‘yung isang barbero dun at nagtataka siguro kung anong gingagawa namin dun! Mukha kasi kaming ewan dun eh.

"Magpapagupit?" nakangiti niyang tanong. S’yempre, sumagot agad ako.

"Opo--

"Hndi--

"Opo—

“Hindi nga—

“Magpapagupit po siya-

“Ayoko nga sabi!!”

“Hindi nga p’wede! Dali na Dy--

"Nako. Hindi ko na talaga maintindihan mga kabataan ngayon. Una. nandyian kayo sa harapan ng pintuan eh samantalang pintuan ‘yan at hindi tambayan. Pangalawa, hndi ko maintindihan kung sinong susundin ko sa inyong dalawa. Sino ba kasing magpapagupit at pangatlo, ikaw totoy bangs, kung ako sa iyo eh magpapagupit na ko. Nakakahiya naman kasi duyan sa girlfriend mo oh." tawa ako nang tawa nung tinawag siyang totoy bangs. Ayos din si Kuya eh. Pero napagkamalan naman akong girlfriend. Wala namang epekto sa akin ‘yun kasi magkaibigan lang kami. Pero ‘yung totoy bangs eh malaking epekto dahil totoo ‘yun! Thats the fact.

“Ay, kuya! Hindi niya po ako girlfriend. May iba pong pinopormahan ‘yan. Ang sa akin lang, gusto ko siyang maayos para maging presentable namang tingnan.” Sabay nagpeace sign ako sa kanilang dalawa.

“Ang bitter mo neng! Hindi na uso ‘yan! Kayo magkasama ni Totoy Bangs, ibabato mo sa iba?” bigla naman akong natawa sa sinabi niya. Hanep lang ah? Joke rin ito si Kuya.

“Kuya, hindi nga po talaga kami niyan. Bestfriend ko lang ‘yan eh. At ‘yung crush niya—

“Naku! Sa bestfriend bestfriend na ‘yan, diyan nag uumpisa ang lahat!” at ngumisi naman si Kuya barbero sa amin.

“May crush po ‘yan! Bruhi—

“Erah! Manahimik ka! Magpapagupit na ako diba? Tawa na ‘yang kadaldalan mo!” sigaw ni Dylan sa akin na parang naiinis na. Malaki na ang improvement niya. Kahit papaano nawala ‘yung hiya niya sa tao. Hindi na rin siya utal-utal palagi. Tumaas ang tiwala niya sa kanyang sarili.

“Siguro nga’y panget talaga ‘yung crush mo, totoy bangs ano? May bangs din ba? O kanto girl?” halos mang-init naman ‘yung ulo ni Dylan.

“Sige na nga! Magpagupit ka na! Kayo na bahala kuya sa kaibigan ko. Labas muna ako. Pahangin!" Tiningnan ko ‘yung oras at 11AM palang naman. Sana matapos kami kaagad. 

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon