Kamalasan 45.

4.8K 133 12
                                    

Kabanata 45

Hugot Lord

“Pass your papers—

“Ms!—

“After 20 minutes.” bigla kaming natawa lahat. Badtrip talaga ‘tong teacher na ‘to sa Math oh! Kala ko pinag-iinitan na naman kaming lahat pero nantitrip lang pala. Jusmiyo, sumasakit ‘yung ulo ko. Lalo na kakaisip kay labidoo. Yung binigay niyang sagot sa akin? Hindi kaya totoo ‘yun?! Syet.

Bura. Bura. Bura. Nagfocus muna ako sa pagsasagot nitong Math exam namin. Dahil kapag ako bumagsak! Letsugas ‘yan! Nag-aral naman ako kagabi. Halos hindi na nga ako natulog para lang makareview sa lahat ng subjects na itatake namin ngayon.

Pero nakakaleche lang talaga. Ano pang silbi ng pagrereview kung number one palang hindi ko na alam ang sagot?

Kaya narealize kong laktawan nalang muna ang number one. Sabi nga nila kapag hindi mo alam ang sagot, laktawan mo muna.

Kaya nagfocus ako sa number two. Pero uulitin ko ulit ‘yung tanong ko kanina, ano pang silbi ng pagrereview kung pati number two hindi ko rin alam ang sagot? Nakakaleche talaga ‘tong math na ‘to! Puro laktaw nalang ang nangyari sa akin hanggang makaabot ako sa bonus question.

Bigla akong natigilan at the same time, napangiti. Yung bonus question namin 20 points. Kahit naman pala hindi ko alam ang 1-40 na question eh atleast ‘yung bonus question alam ko.

9x-7i > 3 (3x - 7u) equals _____.

 

Nakita ko ‘yung iba kong kaklase eh mukhang nagpasa na. Tinamad na silang magsagot. Ako? Hindi muna ako magpapasa. Sasagutan ko ‘tong bonus question at susubukan kong sagutan ‘yung iba.

 

Sinulat ko yung ( I <3 U) dun sa may underline. Isang tao lang ang kailangan kong pasalamatan dito. Alam niyo na kung sino. At tska siguro, wala namang meaning kung bakit nagsabi si Rex ng ganun sa akin. Wag na dapat akong magassume diba? Baka masaktan lang ako.

 

Sa ngayon, nagpapasalamat ako sa kanya dahil may bonus 20 points na agad ako sa exam namin sa Math. Tong teacher kasi namin na ‘to, hindi nawawala ‘yung mga bonus points niyang nakakalito pagdating ng exam.

 

Pagkatapos kong isulat y’ung sagot ko sa bonus question eh bumalik na ko sa mga  wala ko pang sagot. Parang lahat ‘yun wala pa ngang sagot eh. Lahat ‘yun nalaktawan ko pa. Pero bakit ganun? Pagkabasa ko nang number 1, bigla kong nalaman at naalala na kasama pala ‘yun sa nireview ko.

 

Ganto ba talaga kapag inspired at bigla kang ginanahan? Bigla ka nalang tumatalino?

 

Pati number 2, 3, 4, 5 hanggang 23 nasagutan ko nang maayos. Naalala ko eh. Nareview namin ‘yun. Yung iba naman dun, nakita ko sa libro ni Kiel nung tinitingnan ko. Sophomore palang si Kiel at halos may pagkakaparehas ng onti ‘yung inaaral namin.

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon