Kamalasan 33.

6K 127 17
                                    

Kamalasan 33

Cheerers

“Erah!! Kafriendship!! Magstastart na ‘yung basketball dun!” agad-agad naman akong napatigil sa pagcecelebrate namin dito sa loob ng room.

“Anong laban?” tanong ng mga kacheerers namin.

“Blue Brains vs Black Pillar—

“Oh shet. Tara na! Andun ‘yung mga crushee ko.” At bigla-bigla akong hinila ng mga kacheerers ko. Hindi ko na nga namalayan na nakarating na pala kami sa loob ng gym eh. Mas mabuti na ‘yung ganito kaysa naman maharang na naman ako nung guard na ang lakas lakas ng topak kapag nakikita ako.

“The game will start after a few minutes.” rinig kong sabi ng isang teacher na may hawak ng microphone. Excited na akong makita siya na nakajersey! Kinikilig kasi ako! = Feeling ko wala pa nga naiihi na agad ako.

“Omg! As in! Omg!! Hindi ko aaaaaaah!!! Omg! Andiyan na sila!” sigaw ng isa kong kacheerer na malakas ang bunganga. Ang sarap ding tapalan ng bunganga ng babaeng ‘to eh. Pero infairness, yang bunganga na yan yung nagpanalo samin. Napakalakas niya kayang sumigaw ng Black Pillars kanina.

Napatingin naman ako. Inaabangan ang bawat. Syet na malagkit! I saw him.

“Ayun siya!!” at agad naman akong napaturo kay Jas. Hinila ko siya sa tabi ko para may mahampas ako sakali mang kiligin ako! P’wede ring siya na rin ang ibato ko kapag super kilig na kilig na talaga ako dito.

“What the.. ang gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo—

“Aray Jas!” binatukan niya ako sa sobrang ingay ko dito. Nagtatawanan tuloy ‘yung kacheerers ko. Ang tagal tagal ko silang kasama pero hindi ko pa din mabanggit ‘yung mga pangalan nila. Nakakalimutan ko kasi agad eh!

“Maglalaro kaya siya?” sabi ko habang tinititigan siya. Uminom siya ng Gatorade na kulay blue habang nakaupo dun sa may bench. Teka, nasabi ko na sa inyong gwapo siya? Kasi ang gwapo niya talga! At hinding hindi ako magsasawang sabihin kung gaano siya kagwapo lalo na kapag nakajersey siya!

“OMG!” at feeling ko mas lalong dumagundong ‘yung buong yung  pagkapasok nung Black Pillars players. Feeling ko nga unti-unti akong nakakain ng mga bunganga nila sa sobrang lakas ng mga sigaw nila.

“Ang gwapo nilaaa! Go Ethan My loves so sweet!”  sigaw naman nung isang babae. Tiningnan ko lang siya! Napakahyper niya. Ganyan ba talaga sila kabaliw kay Ethan?

“Go Black Pillars! Go go go!! Black Pillars! Black Pillars!! Black black black!!” sigawan ng mga taong nasa paligid ko.

“Blue Brains! Blue Blue Blue!! Go Blue Brains!” sigaw naman nung mga nasa baba. Ako? Hindi ko alam kung anong isisigaw ko! Nakakaloka. P’wede bang Black Brains nalang? Gagawa nalang ako ng sarili kong grupo please naman oh!

Mas lalong naghiyawan nung pumasok na ‘yung mga first five. Hindi first five  si Rex pero ang gwapo niya pa din! At kahit hindi siya first five mananatiling gwapo pa din siya. Si Ethan naman as usual, first five. Best player nga kasi kahapon diba?

Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon