Kamalasan 47.
Sementeryo
"Letsugas. Ethan! Bitawan mo ako! Saan mo ba ako dadalhin?! Hindi naman porket pumayag akong gagawin ko lahat ng gusto mo eh dadalhin mo na ko kung saan-saan.” sigaw ko kay Ethan habang hila-hila niya ako. Bumalik na sa normal ang aking partner in crime simula nung nakausap ko siya last week.
Uwian na namin ngayon pero nadehado naman ako kasi bigla akong hinila ni Ethan. Sa buong week eh palagi akong nakabuntot sa kanya. Hindi naman mahihirap sundin ‘yung gusto niya. Para pa nga akong prinsesa, libro dito. Libro doon. Yun lang naman. Pumayag ka sa gusto niyang ilibre ka niya. O kaya naman minsan, kainin mo ‘yung niluto niyang pagkain para sa’yo. Sino ba namang hindi papayag dun diba?
Marami na ngang babaeng naiinggit sa akin. Numero uno na ang aking kafriendship na si Jas. Crush na crush kasi ng baliw na babaeng ‘yun si Ethan eh. Tawa lang naman ng tawa si Ethan kapag kwinekwento ko.
“Ethan naman kasi! Hindi pa alam ni Dad! Huwag mo akong kung saan-saan dalhin no!” sigaw ko sa kanya. Nakakainis naman kasi. Expected kong maaga akong makakauwi ngayon. Bukod sa last day ngayon ng classes at sembreak na bukas. Ngayon ko din malalaman kung papayagan ako ni dad na bisitahin si Yaya kahit ilang araw lang.
Patuloy pa din sa paghila sa akin ni Ethan. Nakakainis naman kasi ‘tong nilalang na ‘to. Tapos bigla kaming tumigil at bigla niya akong tiningnan ng masama. Para niya akong papatayin. Para niya akong sasaksakin. At may nilabas pa siyang kutsilyo. At dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Pero alam niyo ba? Alam niyo bang joke lang ‘yun?! Ang etchos lang talaga!
“Tara na, Erah!” sabay sabi niya sa akin. Nakangiti pa ang loko. Alam niyang hindi ako makakahindi kasi nga parang pangako na rin ‘yung sinabi ko na lahat gagawin ko para magkabati kami. At ayoko na ring magtampo ‘tong lalaking ‘to no?! Nakakonsensya.
Kung kakamustahin nyo nga pala si Rex sa buhay ko, ayun. Inlove pa din ako. Alam mo bang nakita niya pala kaming ni Ethan na magkayakap nung nagkabati kami? Pero dun ko naisip na parang wala talaga siyang pakialam sa akin. Hay Rex. Kailan ka ba magkakapakialam sa akin? At kahit anong gawin ko, parang wala talaga eh. Tinototoo niya talaga ‘yung sinabi niyang para kaming parallel lines.
Yung isang beses nga na kinamusta ko si Rex kay Dylan sabi ni Dylan okay lang naman daw. Walang pagbabago. Kaya parang nalungkot ako eh. Hindi ko alam. Wala ba talga akong impact sa kanya?
“Ethan, saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya. Sama ako nang sama sa nilalang na ‘to pero hindi ko pa rin talaga alam kung saan kami pupuntang dalawa. Nakasakay na kami sa jeep pero nganga. Hindi ko pa rin alam kung saan ako dadalhin nito.
“Basta.” yun lang yung sinagot niya sa akin. Kasing ganda ko ‘yung tanong ko pero kasing panget niya naman ‘yung sagot! Hahaha. Joke lang. Pero nagulat ako kung saan kami bumaba. Feeling ko sumakit ang buong ulo ko pagbaba namin.
Semen—
Sement—
Sementeryo?
Magpapakatotoo lang ako. Takot ako sa multo.Takot ako sa aswang. Hindi ko kayang makakita ng ganun. Gusto ko pang humaba ang buhay ko. Alam kong parang ang OA ko pero hindi eh. Takot talaga ako as in takot ako.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...