Kamalasan 58
Biggest Mistake
Sa buong gabing ‘yun, nag-isip lang ako ng nag-isip. Kung ano bang sasabihin ko kapag nakita ko na sila? Mag hi-hi ba ko o magwawala na ako? Anong isusuot ko? Nakakabaliw diba? Siguro mga 4 hours lang ‘yung tulog ko. At ang panget panget ko kasi ang laki ng eyebags ko! Tanghali na nga akong bumangon sa sobrang sakit ng ulo ko. Tapos nagbreakfast na ako. Iniintay ko si Dad na bumaba at sabihin na ready ako. Pero nagulat ako pagbaba ni Dad. Nakabihis na siya.
“Bakit hindi ka pa nakabihis? Hindi ka ba sasama? Sige ako nalang baha—
“No, Dad. Im ready. Tinanghali lang ako ng gising.” Tumango naman si Dad at agad-agad akong naligo at nagbihis. Bahala na kung anong damit ang masuot. Basta may damit. Pagbaba ko naman eh nakaupo si Dad at hinihintay niya ako dun.
“Im ready, Dad.” Yun nalang ang sinabi ko kay Dad pagbaba ko. Ready na ako. Bahala na si batman kung anong mangyayari sa amin dun. Kung magrarambulan ba o ano. Basta, masasagot na din ‘yung mga tanong na gusto kong malaman.
Panay ang tanong sa akin ni Dad kung sigurado ba daw ako sa gagawin ko. Sabi ko naman sa kanya hindi ko alam. Nagpapakahonest lang talaga ako. 30 minutes daw ang byahe papunta run. Sumakay na kaming dalawa ni Dad at nagsimula na ‘yung byahe. Nagearphones nalang ako at nakinig sa kanta.
It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
Napansin kong nakatingin sa akin si Dad. Hindi ko naman alam kung kinakausap niya ba ko o ano. Nakaearphones ako eh. Tinanggal ko pero wala naman siyang sinasabi kaya binalik ko ulit.
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes and she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say
Nakakainlove talaga itong kantang ‘to! Ito ‘yung gusto kong kantang kakantahin sa akin ni Rex eh! As if namang marunong siyang kumanta!
Nagulat na naman ako kasi nakatingin na naman si Dad sa akin. Nagtataka na talaga ako kung anong meron eh. Pero mas nakakagulat nung biglang tumulo ‘yung luha ni Dad. Dun na talagang napaalis ng todo ‘yung earphones ko.
“Dad? Bakit po kayong naiyak?” inosenteng tanong ko habang napapakamot ako sa ulo ko. Agad namang pinunasan ni Dad ‘yung luha niya.
“Sorry, Dad ah. Hindi kasi kita narinig. Ano bang sinasabi niyo? Nakaearphones kasi ako.” Ang epic ko talaga. Nagmukhang ewan ‘yung tatay ko. Tuknene. O baka naman may audition si Dad sa isang reality show o tv program at nagpapractice dito sa kotse? O baka namn may CCTV camera dito at hindi ko alam? Nako. Kailangan kong ngumiti ng abot Bermuda triangle baka sakaling makuha ako bilang artistaa!
“Dad? Magaaudition po ba kayo bilang artista at nagpapractice kayo ng lines niyo? Gusto niyo turuan ko pa kayo eh!” medyo nakangiti ko namang sabi. Para ngang waley eh. Hindi naman ako nagjojoke! Nagtatanong ako pero no response itong tatay ko eh. Ano bang gusto niyang sabihin ko? Tska ko lang narealize na hindi ata siya nagbibiro nun kundi seryoso siya.
BINABASA MO ANG
Reyna ng Kamalas-malasan Season 1- Completed (Published under LIB)
ChickLitThis story was published under Life Is Beautiful. Available in all Precious Pages Store, National bookstore and other bookstores! Thank you!! RNKM Book 1 - Php 129. 75 RNKM complete version - Php 199. 75 "Love is all about sacrifice. Love is pain...