Chapter 32: [Heartbreak]

2.9K 22 1
                                    

                My hands are shaking. Paano ko ba sasabihin kay Captain? I don’t know how he’s going to take the news. Mamaya niyan magalit pa sa’kin kasi ang tagal naming dinelay yung pagsabi kila Papa pero si Juami ni wala man lang alinlangan kahapon. Is it my fault? Is it Fort’s fault? O sadyang si Juami lang talaga ang may kasalanan?

                Maybe it’s all three. Pero late na din kasi. Nandiyan na. Kahit magsisihan pa, wala ng magagawa. I just have to tell him.

                Tinawagan ko si Captain. Wala pang isang ring, sinagot na niya agad.

                “Good morning. I’m sorry Boss. Natulugan kita.” Medyo garalgal pa yung boses niya. Kakagising lang ba niya? Bakit ang bilis niyang sagutin yung phone?

                “Kakagising mo lang?” Tanong ko.

                He cleared his throat. “Oo eh. Sorry Boss,”

                Nako. Si Captain talaga. “Bakit ka nag-sosorry? Ako nga yung nanggising sa’yo eh. Maybe you should go back to sleep.” Ayoko namang maging dahilan kung bakit siya kulang sa tulog.

                “Galit ka?” Tanong niya.

                How ironic. How absurd. Matapos ng lahat ng nangyari kahapon at ng mga nagdaang araw, anong karapatan kong magalit sa kaniya?

                “No. You need your rest.” Sagot ko. Besides, hindi magandang panimula ng araw ang ibabalita ko sa kaniya.

                “Don’t be like that. Lalo naman akong hindi makakatulog kung alam kong may tampo ka sa’kin.” Bulong niya. Rinig ko ang pagbangon niya sa kama.

                Natawa ako. “Captain, wala akong tampo sa’yo. Gusto ko lang talagang makapagpahinga ka ng maayos.”

                “I miss you.” Sabi niya bigla. “That’s worth getting up for, right?”

                I sighed. “I miss you too.”

                Nakasimangot na ako.

                “May sasabihin ka nga pala dapat sa’kin kagabi ‘di ba? Ano yun?” Tanong niya.

                Uh-oh. Sasabihin ko na ba?

                Pag hindi ko sinabi, maghihinala si Fort. Pero bakit ko kailangang itago ito sa kaniya kung wala naman talagang meaning ang lahat sa akin? Pag sinabi ko naman, magagalit siya kasi naunahan siya ni Juami.

                Either way, masasaktan si Captain.

                Ang hirap naman nito.

                “Boss?”

                Hindi ko namalayang matagal na pala akong hindi umiimik. “Kasi kahapon nung umalis ka… biglang dumating si Juami. He saw you leave the house.”

                Tahimik si Captain sa kabilang linya. Kinakabahan na ako.

                “Captain?” Bulong ko.

                “Kinausap ka ba niya?” Tanong ni Captain.

                “He asked me why you were at our house yesterday and I told him everything. Kaso nung papasok na sana ako, sakto namang palabas ng bahay si Papa. Itinago ko si Juami. Hindi kasi alam ni Papa na naging kami noon. No one in my family knows. I never introduced him formally. Pero si Juami kasi bigla na lang lumapit kay Papa.” Hindi ko na maituloy yung sasabihin ko. Ayoko na.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon