Chapter 67: [Two Sides]

61 2 0
                                    




Araw-araw akong umattend ng practice nila Jeric hanggang sa dumating ang Biyernes. Dito na din ako nag-aaral palagi kahit na alam kong mas komportable sana kung nasa lib ako. Pero ngayon lang naman ito. Gusto ko ding nandiyan ako para kay Captain. Ayokong isipin niya na masama ang loob ko sa mangyayari bukas.

    Sandali kong ininat ang mga kamay ko dahil kanina pa ako nagbabasa. Lumingon ako kung saan nagpapahinga ang Tigers ngayon. Nagtama agad ang mga mata namin ni Fort. Nginitian niya ako at gumanti din ako ng ngiti sa kaniya. My heart started beating frantically in my chest. Iba talaga ang epekto sa akin ng isang Jeric Fortuna.

    Lalapit sana ako para kausapin siya sandali nang pumasok ng court si Papa at nakita kong may bitbit siyang bisita.

    "Cheska!" Kaway ni Lake. Sandali siyang nagpaalam kay Papa bago lumapit sa kinauupuan ko.

    "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko.

    "I was already on campus when I ran into your dad. He told me where you were so I thought I'd drop by and say 'hi'." Sagot niya.

    "What were you doing on campus?" May pinopormahan nanaman siguro 'yan dito. Naalala ko n'ong high school pa lang ako na nakakabangga ko din siya sa campus namin ng ilang beses. Minsan may kasama siyang babae but never the same girl twice. Laging bago ang pinapakilala niya sa akin pag nagkikita kami.

    Mukha siyang nahiya bigla nang tanungin ko 'yon. Anong meron? Bakit namumula ang mga pisngi niya?

    "Uh... I've been planning to go to uni for a while now." Napahawak siya sa batok niya habang sinasabi sa akin 'to. Umiwas din siya ng tingin.

    Why is he embarrassed about going back to school? "Lake, that's great!" Excited ako para sa kaniya. Minsan lang din ako makarinig ng magandang balita pagdating sa kaniya kaya hindi ko napigilang yakapin siya sandali. He placed one hand behind my back before whispering his thanks.

    Lake doesn't have the best track record in anything since I've known him. He always gets himself into trouble and has been the cause of a lot of arguments between Ate Sky and other people. Si Ate Sky na kasi ang tumatayong legal guardian niya ngayon at wala naman siyang choice kung 'di alagaan si Lake.

    I feel like he's just misunderstood because he has always been good to me. May mga pinagdaanan din siya bilang bata at hindi madali ang naging sitwasyon niya dahil anak siya sa labas. Maybe that's why I've always had a soft spot for him. Nakakapag-open up siya sa akin minsan kaya alam kong ang mga ginagawa niyang nakakasama sa kaniya ay ang paraan niya para makalimot sa trauma niya noong bata pa siya. It doesn't mean everything he did should be justified by that though. He needs to learn to find a healthier way of coping.

    "Fort!"

    Nawala agad ang attensyon ko kay Lake at mabilis akong tumingin sa court. Nagsimula na pala ulit silang maglaro at ang sigaw na 'yon ay nanggaling kay Tata. Mukhang napaupo si Captain sa sahig at inaalalayan siya ngayon ni Teng na tumayo. Anong nangyari?

    Tumayo ako at lumapit agad sa bench ng players.

    "Kaya pa, Fort?" Tanong sa kaniya ni Papa.

    Tango lang ang sagot ni Captain bago muling inabot ang bola.

    Bangko ngayon si Tata kaya sa kaniya muna ako lumapit. "Ta, anong nangyari? Okay lang ba si Jeric?" Tanong ko.

    "Ah wala yun, Cheska. Mukhang natisod lang dahil nagkabanggaan sila ni Karim. Napalakas siguro yung impact kaya nawalan siya ng balanse." Paninigurado niya sa akin.

    I sighed in relief. I hope he's not exerting himself too much. He's been missing a lot of his shots these past few days. Lalo na ang mga tres niya. I know how frustrating that could be when you're preparing for a match. You also tend to push yourself and try to do better when that happens.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon