MUSIC ON THE SIDE --> Play niyo pag nasa kotse na sila :)
---
The next day, sinamahan ko si Raven na kunin yung kotse niya sa bahay nila Miggy. Nag-commute na lang kami kasi tinamad akong mag-drive. Sa bahay na natulog kagabi si Raven. Feeling ko medyo awkward para sa kaniya kagabi nung pauwi na kami kasi hindi namin siya masyadong nakakausap ni Fort. Umiral nanaman kasi yung sweetness ni Captain.
Paalis na sana kami ng bahay nila Miggy nang biglang may kumatok sa bintana sa may side ko.
Si Juami. Bakit nandito pa siya? Dito kaya natulog yan?
"Good morning," Bati niya saka nag-abot ng isang paperbag. "This is for you." Starbucks. Lagi niya akong binibigyan nito dati nung kami pa. Every morning yan kahit nasa Katipunan pa siya noon. Bigla na lang may random na taong magbibigay sa akin ng paperbag at sinasabing galing daw kay Juami.
I hesitated for a moment saka ko siya tinitigan, trying to figure him out. "What are you playing at Juami?"
Natawa siya. "I'm not playing at anything Cheska. Old habits die hard I guess. This is also an apology for how I acted last night."
Talaga lang ah. "Thanks," saka ko inabot yung binibigay niya. Pag tumanggi pa ako, baka lalo pa kaming matagalan ni Raven dito.
"Paps, sorry din." Si Juami na nakatingin kay Raven. Tumango na lang yung katabi ko.
"Alis na kami." Paalam ko saka isinuot yung seatbelt ko. "Bye Juami. Take care."
Ipinasok ni Juami yung ulo niya sa may bintana saka ako hinalikan sa pisngi. "Take care Cheska. I'll see you soon." Kumaway siya bago naglakad papunta sa sasakyan niya.
"Ang weird ng ex mo," comment ni Raven.
"Sometimes he means well," sagot ko.
"Pero weird talaga siya. Kaya nga team Fort ako eh."
Natawa ako. "What the hell? May teams na talaga ngayon?"
"Naman," sabi niya habang nakangiti.
"Basta sa'kin walang team Fort or team Juami."
"Bakit? Kasi 'di ka sure na talagang lumalaban si Juami? Cheska you're blind. The guy wants you back. Lalo na nung nakita niya kayo ni Fort na magkasama kagabi." Sabi niya.
"Walang team Fort or team Juami kasi wala naman talagang competition. Kay Fort ako noh." Pagtatapat ko.
Kinurot naman ni Raven yung pisngi ko. "Nagiging cheesy ka na ah! 'Di ko alam kung matutuwa ako o mandidiri."
Napangiti na lang ako. Okay ng cheesy basta si Captain naman ang dahilan.
Halos two weeks na kaming hindi nagkikita ni Fort. Once ko lang siya nakita ng personal this week. Nung competition ko pa. Nanalo ako pero hindi na din niya ako na-congratulate kasi kinailangan na niyang umuwi kaagad. Sunud-sunod na kasi quizzes namin pareho. Malapit na ding mag-prelims. Baka sa DLSU and UST game ko pa siya makita ulit.
Naiintindihan ko naman siya. Sa text, tawag, at skype na lang kami nag-uusap. Nahihiya na nga daw siya sa'kin eh. Anong klaseng manliligaw daw ba siya.
"Matino kang manliligaw," sabi ko nang makausap ko siya one time sa phone. "Kasi alam mo ang priorities mo."
Totoo nga naman kasi. Two days na lang din at pwede na akong manood ng practice nila. Kaso 'di ko din naman siya makakausap ng maayos kasi nandun si Papa. Sasabihin ko na talaga kay Papa before mag-final four o kaya kahit sa second round na lang ng eliminations.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...