Inakbayan ni Papa si Fort bago nag-salita, “Alam mo boy mahina ka din eh. Kung matagal ka na sanang nagsabi sa’kin, ‘di sana hindi umaaligid sa inyo yang si Juami.”
My jaw literally dropped. Lahat kami lumaki ang mga mata sa sinabi ni Papa.
“Kung hindi ko pa nabanggit yang si Eric at kung hindi niyo pa dinamay yang si Chelsea, wala pang mangyayari eh.” Patuloy na pagsasalita ni Papa.
Ah… Teka…
I think we’re getting Punk'd. I was actually waiting for someone to jump out of the closet in the corner and tell me this was all just a joke. Parang ang imposible kasi ng nangyayari.
Gusto ko sanang mag-salita pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Sa halip, si Tata pa ang unang nag-salita. “Edi matagal niyo na pong alam Coach?”
-___-
Lahat kami napatingin sa kaniya.
Nakangiti lang siya. “Sige sa labas lang ako. Dun na kita hihintayin Fort.”
Tumango na lang si Captain.
“So in other words…” Simula ko.
Papa smiles as he pats Fort on the back. “Of course you two have my blessing.”
Shock hits me first and then relief.
Pumapayag si Papa! He’s giving us his blessing! Ganito pala ang feeling ng legal. Ang gaan sa pakiramdam.
I exhale loudly. I didn’t even realize I was holding my breathe. Before I can even think about what I’m doing, I walk foward and lunge myself into Papa’s arms. Buti na lang mabilis na nakalayo si Captain.
“Thank you Papa,” I blink back tears. “Thank you po.”
He doesn’t know how happy I am. Alam siguro ni Papa na importante ‘to sa akin kaya siya pumayag.
Natawa si Papa bago ako bitawan. “Sabi ko naman sa’yo anak maiintindihan kita eh. Bakit kasi ayaw mong magtiwala sa akin?”
“Sorry po Papa,” Sometimes I feel like I overthink things kaya kung anu-ano ng scenarios ang nabubuo sa isip ko kahit wala pa akong ginagawa.
Nakangiti si Papa. “Wala yun ‘nak.”
Still, I feel betrayed. So matagal na palang alam ni Papa? Sinabi kaya ni Mama? O hindi din alam ni Mama na ganito ang mangyayari? So all this time… he was actually watching me and Captain.
Ibinaling ni Papa ang attensyon niya kay Jeric. “Ground rules,”
Captain turns to Papa and looks eager to listen. Ang kaninang kinakabahan na si Jeric ngayon mukhang masayang-masaya na. I couldn’t help smiling at his expression. He’s beaming.
“May curfew yang si Cheska. Dapat bago mag 12 midnight nasa bahay na yan.” Sabi ni Papa.
“11:55 nasa kama na po yan. Tulog na.” Sagot ni Jeric habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...