"Ok ka lang?" Tanong sa'kin ni Fort. Itinayo niya ako ng maayos. Pati tuloy siya napatayo bigla nung na-out of balance ako.
"Oo. Sorry ah," Paghingi ko ng tawad bago ako umupo sa tabi niya.
Ngumiti siya. "Bakit sorry?"
"Kasi sinalo mo ako kanina. Naabala ka pa." Sagot ko naman. Nakakahiya talaga. Si Fort pa talaga nakakita.
Natawa siya. "Hindi Sorry. Dapat Thank You." Sabay tapik sa wrist ko at hawak ng mahigpit.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Nagka-crush naman na ako dati. Ilan pa nga sa mga crush kong yun naging ka-close ko. Nahahawakan ko din naman ang mga kamay nila pag may biruan. Pero bakit dito kay Fort sobrang iba yung nararamdaman ko?
"Thank you," Pag-sunod ko sa sinabi niya.
"Yan, you're welcome," Ngumiti nanaman siya.
SIguro dapat 'di ko siya tinitignan pag kausap niya ako para makasagot ako ng medyo matino. Nawawala ako sa sarili pag kaharap ko si Fort eh.
"'Di ba may practice kayo ngayon?" Tanong ko. May ilang mga students na nakatingin sa kanya habang dumadaan sa harap namin. Pagkatapos naman siyang ngitian at batiin, tinititigan ako ng masama. Babae pa naman ang karamihan sa kanila.
"Meron pero mamaya pa naman. Samahan muna kita. May hinihintay ka ba dito?" Tanong niya sa'kin.
"Meron. Si Raven, ihahatid daw kasi ako pauwi."
"Close talaga kayo noh?" Tanong ni Fort.
Tumango ako. "Bata pa lang kasi kami magkakilala na kami. Tapos close yung families namin."
"Ah, eh bakit ako close naman kay Coach pero hindi naman tayo close?" Pabiro niyang tanong.
Napangiti naman ako. "Nung isang araw lang naman kasi tayo nagkakilala eh."
"Pero pwede pa bang humabol? I mean, pwede pa naman tayong maging close 'di ba? May one year pa ako sa UST bago maka-graduate." Sabi niya na tumingin sa akin.
Napatingin din ako sa kaniya. Seryoso ba siya? O kasama lang talaga sa usapan namin 'to? Teka, one year? One year na lang tapos aalis na siya sa UST?
"Kaya kaya ng one year?" Tanong ko, para na lang iwasan muna yung tanong niya.
"Kung lagi tayong magkasama sa loob ng one year, kaya yan." Naka-smile nanaman siya. Grabe. Smiling face talaga siya. Pwedeng-pwede 'tong endorser ng toothpaste. Teka, ano ba 'tong iniisip ko.
Anong isasagot ko dun?
"So pa'no na? Game ah?" Agad naman niyang sinundan yung sinasabi niya kanina kaya hindi na ako naka-sagot.
"Game saan?" Tanong ko.
"Yung magiging close tayo within a year," Sagot niya.
"Pa'no pag 'di nangyari yun?" Iniwasan ko yung tingin niya. Sa may building muna nila ako tumingin.
"Mangyayari yun. Promise," Sabi niya saka itinaas yung isang kamay niya. Naka-tiklop yung mga daliri niya. Nakataas yung pinky niya.
Kinikilig ako. Ano ba 'to.
Sige na nga. Itinaas ko na din yung kamay ko para mag-pinky swear. "Promise,"
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...