Two weeks later, pareho pa rin kami ng routine ni Captain. Sinusundo niya ako sa umaga. Sabay kaming nagla-lunch. Minsan nanonood ako ng practice nila. Kakain kami or manonood ng movie bago niya ako ihahatid pauwi. At this point, may higit isang buwan ng nanliligaw sa akin si Jeric and we still haven’t said anything to Papa. He and I talked about this last night and he said it would have to be this week. Ayaw na naming patagalin pareho. Gusto ko namang malaman ni Papa na nanligaw sa akin si Jeric bago naging kami.
It’s a Saturday today. Walang pasok ngayon ang AMV kasi may pupuntahang seminar yung ilang profs naming. I’m curled up on the couch, doodling on my notebook because I’m bored and I’ve just finished studying. Pumasok nanaman si Captain sa isip ko. I look down on my notebook as I try to hide the blush on my cheeks. I already have plans of saying yes to him.
Yes to what? Yes to being his girlfriend.
Grabe. Yung thought palang na magiging boyfriend ko si Jeric Fortuna hindi ko na kinakaya. But at the same time I know it’s right. He’s the one I love.
“Cheska?” Tawag ni Manang na nasa may pinto. May hawak siyang flower arrangement at isang box na malaki. “Para sa’yo ito.”
Tumayo ako at inilapag ang notebook ko sa coffee table bago lumabas ng sala para puntahan si Manang.
Alam ko na agad kung kanino galing ang mga iyon bago ko pa binasa ang card na nakadikit sa box. Kay Juami.
Kinuha ko ang flowers at ang box kay Manang at inilapag ito sa mesa malapit sa may pinto. “Napapdalas na ang mga pinapadala ni Juami,”
“Oo nga Cheska. Buti na nga lang at padala lang ang kaya niyang ibigay ngayon kasi busy siya. Ilang araw na ding hindi bumibisita yan ah.” Si Manang.
Napatingin ako kay Manang habang nakangiti. Supporter ni Jeric yan eh.
“Nako Manang. Yun na nga eh. Kinakabahan ako. Kilala ko yang si Juami. May binabalak nanaman yan kaya ganiyan.” Sagot ko.
“Sana naman wala,” Sabi ni Manang bago maglakad pabalik ng kusina.
I opened the box and found Godiva chocolates there and a couple of DVDs and books.
I sighed as I placed the lid back on. Ganito manligaw si Juami. He just doesn’t send the usual chocolates, stuffed toys, and flowers. Talagang inaalam niya kung ano ang gusto ko and he buys them for me. This is too much. It unnerves me a bit, the fact that he still knows me so well.
“O kanino galing yan?” Si Papa na pababa ng hagdan.
“Kanino pa po ba Papa?”
Napangiti siya. “Hindi na bumibisita si Juami dito ah. Gusto mo bang manood tayo ng game niya this Saturday? Binabalak na naming manood ng ibang coach sa staff ko eh.”
Nagulat ako sa inaalok ni Papa. “Ha? Bakit po pati ako kasama?”
“Para masuportahan mo si Juami. Lagi na lang siya ang nag-eeffort na puntahan ka dito. Bumawi ka naman sa kaniya ‘nak.”
Hindi ko alam ang isasagot ko.
“Sasama ka na ah. Aasikasuhin ko na yung ticket mo. Ateneo versus La Salle din yun. ‘Di ba favorite rivalry mo yan noon?” Tanong ni Papa.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...