Chapter 4:[Patron Tickets Courtesy of Kim Lo]

4.4K 40 1
                                    

                Hinihintay ko si Raven sa may baba ng Commerce building. Nakaupo ako sa isang Pav sa may harap ng building nila. Uuwi na dapat ako kaso binilin nanaman daw ni Papa kay Raven na sabay kaming uuwi. Hindi ko alam kung isa nanaman ‘to sa mga plano ni Papa at ni Mama para magka-developan kami ni Raven. Pero kahit anong pilit nila, wala talaga akong maramdaman para sa bestfriend kong yun.

                “Cheska?” Tanong ng isang lalake sa likod ko.

                Lumingon ako at nakita ko si Aljon. Nginitian ko siya. Bakit siya na lang lagi kong nakikita?

                “Wala ka bang klase?” Tanong ko.  SIge na nga magpapaka-FC na din ako.

                “Wala na eh. Practice nanaman kasi. Malapit na game namin against sa Ateneo. Manood ka ah.” Sabi sa akin ni Aljon.

                Umiling ako. “Allergic ako sa basketball.” Pagtatapat ko.

                Natawa siya. “Coach ng basketball team yung Papa mo tapos allergic ka sa basketball?”

                Ngumiti ako. “Yun na nga eh. Kaya nga allergic ako.”

                Tumawa uli siya. “Manood ka naman. Para naman ganahang maglaro si Fort.”

                Bigla akong napatingin sa kaniya. Ano daw? Shet. Alam ba niyang crush ko yung friend niya?

                “Ano yun?” Baka naman iba lang rinig ko. Umupo sa tabi ko si Aljon.

                “Ah wala wala. Basta nood ka ah? Kung ayaw mong humingi kay Coach ng ticket, ako na lang magbibigay sa’yo.” Sabay ngiti niya.

                “Uh, wala akong kasama eh.” Ang hirap naman mag-isip ng alibi. Ayoko talagang manood eh.

                “Edi magsama ka ng friend mo.” Sabi ni Aljon na parang napaka-obvious ng sagot sa problema ko.

                “Baka hindi pwede si Raven nun eh.” Pag-sisinungaling ko. Alam kong kahit busy si Raven nun manonood yun. ‘Di din maaasahan yun pagdating sa mga Tigers eh. Traydor.

                “Edi ibang friend mo na lang. Kung pwede sana babae.” Sabi ni Aljon.

                Babae daw? Bakit? Anong meron?

                “Baka kasi isipin ni Fort… Ah ni Coach pala na may boyfriend ka. ‘Di ba strikto din yun pagdating sa’yo?” Tanong niya. Lahat ba ng nasa team na yun may pagkwa-weird? Bakit ba puro siya banggit kay Fort. Nakakahalata na ko ah. Alam na talaga ata nila yung secret ko.

                “Ok lang kay Papa si Raven. Hindi din naman strict si Papa. Pinagtutulakan na din akong mag-boyfriend. Ewan ko naman dun.” Ano ba ‘tong pinag-sasabi ko?

                “Oh ayun naman pala eh.” Ang laki bigla ng ngiti ni Aljon. Bumulong siya sa tabi ko, “Ok na ok na si Fort.” Hindi ko ata dapat marinig yung huling sinabi niya pero medyo malakas kasi yung pagkaka-bulong niya.

                Hala. Alam na nga nilang crush ko si Fort. Alam na din kaya ni Fort??

                Nakakahiya. Ano ba ‘to. First time kong magkaganito.

                “So pa’no na? Manonood ka ah! Please? Kailangan ng team ng bagong lucky charm. Sino pa bang mas ok na lucky charm kung ‘di ang anak mismo ni Coach ‘di ba?” Pilit pa rin ni Aljon.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon