Chapter 19: [One For the Books Part 1]

3.8K 39 12
                                    

For Jeric Fortuna fans, please read The Game of Love by whistleeebabyyy! :) Maganda yung story. And also Ball Game by serenity_pixie! THANK YOU. COMMENT AND VOTE kung nagustuhan niyo ang chapter na 'to. Next update will be tomorrow. :D

---

                “So food, fun, or movie?” Tanong sa akin ni Captain. Hmm… Ano nga ba? He’s letting me choose.

                “You choose,” Sagot ko. “Ikaw kaya nagsabing mag-date tayo.”

                Natawa siya. “Food muna? Gutom na ako eh.”

                Tumango na lang ako. Nag-food trip kami ni Captain sa Esplanade. First time ko dito kaya hindi ako familiar sa restos.

                “Mahilig ka bas a Seafood and Inihaw?” Tanong niya sa akin.

                Tumango ako. “Basta ba libre mo,” Pabiro kong sabi.

                “You know I live to follow your every demand, Boss.” Nakangiti niyang sabi.

                Pabiro ko siyang hinampas. “So sinasabi mong demanding ako?”

                Umiling siya habang nakangiti. His smile, oh swoon. Iba talaga ngumiti itong si Fort. “Hindi ah. I just love making you happy by doing what you ask of me. Mali ba yun?”

                Ang sarap asarin nitong si Captain. “Jump in the Bay if you’re so serious about me,” Dare ko sa kaniya.

                Tumigil siya sa paglalakad. Binitawan niya yung kamay ko saka dali daling naglakad papunta sa tubig.

                “Captain!” Tawag ko saka ko siya sinundan. Seryoso ba siya? “I was kidding!”

                Umakyat siya sa edge at tatalon na sana nang hilain ko ang kamay niya para bumaba siya. Tumatawa siya nang hawakan uli ang kamay ko at niyakap ako sa side niya. Tinulak ko siya ng mahina.

                “Naman eh,” Reklamo ko.

                “Eh kasi ikaw naman,” Tumatawa pa rin siya. “Ayaw mo pa atang maniwala na seryoso ako sa’yo.”

                “Naniniwala naman ako.” Okay. Hindi na talaga ako magbibiro ng ganun pag siya ang kasama ko. Nakakatakot.

                “Alam ko. I was just teasing you Boss.” Nakangiti pa rin siya. Ang hirap mainis sa tao na ang cute ngumiti.

                “Teasing, teasing ka diyan. Tiisin ko kayang hindi ka pansinin the whole night.” Pagbabanta ko.

                Ngumiti na lang siya. “Kain na tayo.”

                “Boss try this,” Alok nanaman ni Fort sa akin. Nakakahiya na. Kanina pa kami pinagtitinginan ditto. Open area pa naman kaya madami talagang nakakakilala sa kaniya. Hello, dito ba naman kasi ginanap yung game nila kanina. Madaming taga-UST and DLSU na dito din pumunta para kumain. Buti na lang medyo dumidilim na.

                Namili si Fort ng table naming na sa Bay nakaharap. Para daw mapanood naming ang sunset habang kumakain kami. Ang sweet talaga ni Captain.

                Kinuha ko yung tinidor na hawak niya at ako na mismo sumubo sa food na nakatusok dun.

                Nag-pout naman siya bigla. “Ayaw mong subuan kita ng food?”

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon