Raven’s POV
“Uuwi ka na ba agad?” Tanong sa akin ni Fort nang makalabas kami ng bahay nila Cheska.
Umiling ako. “Bakit?”
“Gusto mo billiards muna tayo? May alam akong magandang place sa Morato.” Yaya niya.
Ano naman kaya naisip nitong si Fort at biglang nagyaya? “Sige.”
Si Fort ang unang nag-break. Nilapag ng waiter ang dalawang bote ng beer sa table malapit sa pool table na ginagamit namin.
Eight ball lang ang laro namin kasi yun lang din ang laro na medyo magaling ako. Stripes si Fort. Solid ako.
“Matagal na bang magkakilala si Lake at Cheska?” Tanong bigla ni Fort nang matapos ang kaniyang tira.
Ah kaya naman pala biglang nagyaya si Captain. Gusto pala akong tanungin tungkol kay Lake. “May 7 years na din siguro. Half brother kasi ni Ate Sky si Lake. Grade 6 pa lang si Cheska nung unang pumunta si Ate Sky sa Pilipinas. At that time, 17 na si Ate Sky. Buhay pa ang Dad ni Ate Sky noon eh. After one year, nalaman na lang nila na may kapatid pala si Ate Sky sa ibang lalake. 14 years old na din si Lake nang una namin siyang makilala.”
“Nagkakilala sila ni Cheska nung 14 pa lang si Lake?” Tanong ni Fort.
Tumango ako. I sank the 3 in the corner pocket. Sandali kong ginamit ang tisa bago ulit tumira. I missed the middle pocket by an inch. Sayang. “12 pa lang si Cheska at that time. Siyempre si Lake laki sa ibang bansa. Liberated agad at that age. May pagka-bad boy si Lake noon kaya ayaw masyadong palapitin ni Coach kay Cheska.”
Tumayo si Captain at sandaling tinignan ang pool table, mentally looking for his next shot. “Bakit parang ang close nila ni Cheska ngayon?”
Napangiti ako bago uminom sa hawak kong bote ng beer. “Nakakapag-usap naman sila ni Lake noon pero hindi madalas. Bumalik ng UK si Lake para dun mag-aral. After almost 4 years, bumalik si Lake. 16 na si Cheska that time. Nasa 4th year high school na kami pareho noon. Dun niya nakilala si Juami.”
Tapos ng tumira si Fort at naupo muna siya sa tabi ko habang iniinuman ang boteng nasa kamay niya. “Bakit nasingit si Juami sa kwento mo?”
Napangiti ulit ako. Dapat ko bang sabihin kay Fort yung nangyari? Nandito na din naman kami eh. “One month bago naging si Cheska at si Juami, pinuntahan ni Lake si Cheska. Siyempre nagulat siya. Yung bestfriend ko na nene dati, biglang dalaga na. Ayun. Nagkagusto si Lake kay Cheska.”
Captain pressed his lips together. “Sabi ni Cheska kanina wala daw gusto si Lake sa kaniya.”
Nagkibit ako ng mga balikat. “Hindi alam ni Cheska na gusto siya ni Lake. Medyo may pagka-manhid si Cheska nung mga panahon na yun eh. Tapos siyempre may gusto na din siya kay Juami kaya hindi na din niya masyadong napansin na nagpapakita ng motibo si Lake.”
“Ano naman ang naging reaction ni Juami kay Lake?” Tanong niya.
Natawa ako. “Almost the same way you’re reacting to Lake right now. Pucha naman kasi ‘di ba? Ang pogi nung gago.”
Captain smirked as he clinked his beer bottle with mine. Tumayo ako para ituloy ang game namin.
“Anong ginawa ni Juami kay Lake? Hindi man lang ba niya sinabihan na umiwas kay Cheska?” Tanong ni Fort.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...