Chapter 14:[More Than Enough]

3.9K 58 10
                                    

Music at the side, kunyari na lang yan yung BG music sa Starbucks. :)) --->

---

Pagkaalis ni Juami, napunta agad yung tingin ko kay Fort. Bigla naman siyang inakbayan ni Raven. Mukhang lasing na yun. Ano kaya pinag-uusapan nila? Tumatawa si Fort. Tumayo ako para lapitan sila nang biglang umalis sa pagkakaakbay si Fort at pumunta sa harap ni Raven. May sinabi pa si Raven bago biglang natumba.

                Tumakbo ako agad sa kanila. Naman ‘tong si Raven. Lagi na lang umiinom ng lagpas sa limit niya. Buti na lang di siya nagsusuka.

                Lumuhod ako sa tabi niya. Si Fort din tinulungan akong itayo siya. Lumapit naman yung ibang players sa amin.

                “Told him not to drink whatever was in that shot glass,” Comment naman ni Juami na nakatingin sa amin habang nakangisi. Sandali din niya kaming tinulungan.

                “Kaya na namin,” Biglang sigaw naman ni Fort habang nakatingin kay Juami. “Okay na,”

                Binitawan naman ni Juami si Raven. “Sure bro,”

                “Saan natin dadalhin ‘to?” Tanong ni Tata. Hinayaan ko na silang alalayan si Raven.

                “May malapit bang resto dito? Coffee place o kahit na anong pwedeng kainan? Magpapalipas lang muna ng oras para matanggal naman ng konti yung effect ng alak kay Raven.” Si Fort na nakatingin sa teammates niya.

                “May malapit na Starbucks dito,” Sabi ko.

                Hindi ako tinignan ni Fort. “Sige, dun na lang kami. Pahatid na lang sa kotse ko.”

                Tumango naman si Tata. Sumunod na lang ako. Anong nangyari kay Fort? Bakit ‘di ako pinapansin?

                Nang makalabas kami ng bahay ni Miggy, ipinasok na nila si Raven sa likod ng sasakyan ni Fort.

                “Pasensiya na,” Paghingi ko ng tawad sa kanila. “Nakakahiya naman sa inyo.”

                Ngumiti lang si Tata. “Wala yun. Nangyayari naman talaga yan. Nasa party tayo kaya siyempre normal namang may malasing.”

                “Salamat,” Sagot ko.

                “Bro, una na kami.” Biglang sabi ni Fort.

                “Ha?” Nagtaka naman si Tata. Pati siguro siya naramdaman yung pagbago sa mood ni Fort. “Sige sige.”

                “Pakisabi na lang kila Miggy at Andy.” Sabi ko habang binuksan yung pinto sa passenger’s side.

                “Kay Juami ‘di ka magpapaalam?” Narinig kong bulong ni Fort.

                What? Shet. Alam na niya? Yun ba yung pinag-usapan nila ni Raven kanina?

                “Salamat uli ah. Bye. Ingat kayo.” Sabi ko na lang uli kay Tata bago pumasok sa loob ng sasakyan. “Babalikan ko na lang yung kotse ni Raven bukas. Safe naman yun dito.”

                “Bakit ‘di mo na lang ipahatid kay Juami?” Tanong ni Fort nang makasakay na din siya.

                Hindi na lang ba niya pwedeng sabihin sa akin ng maayos? Kailangan ba talagang i-provoke pa niya ako? Hindi ako sumagot.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon