Paano ba ako dapat mag-react? Ilang beses pa akong napapikit bago tumingin sa kaibigan ni Bea at ibinigay ang camera sa kaniya. “Here,”
“Ah, o-okay, salamat ate,” Sagot niya.
Kinuha ko naman agad yung bag ko sa tabi at umalis na. Why am I running away? Bakit ganito? Bakit masakit?
“Cheska!” Sigaw ni Captain sa likod ko, hindi ko na din pinansin. Nang makalayo ako, lumingon ako kasi akala ko sinusundan niya ako. Pero hindi pala. Napapalibutan pa rin siya ng fans niya. Sa akin siya nakatingin. Halatang nag-aalala na siya. Umiling na lang ako saka ngumiti bago naglakad papalabas ng gym.
Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. I quickly wiped the tears away. What’s happening to me?
Biglang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko agad ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag, hoping it’s Fort, hoping that I could distract myself.
“Hello?” Garalgal pa ang boses ko.
“Cheska? What’s wrong?” Shit naman. Bakit siya pa? Alam naman niyang kahit naging malabo ang relasyon namin noon, hindi ko pa rin magawang mag-sinungaling sa kaniya.
“Juami,” Naiyak ako lalo. Feeling this kind of pain only triggered memories from the time he and I were together.
“Tell me what’s happening,” Demand niya. “Damn it, stop crying.”
“Juami…” Bakit hindi ako makapag-salita?
“Where are you? I’ll come to you. Wag kang aalis. Wait for me,” Yun lang ang tanging sinabi niya bago maputol ang linya.
Hindi yan pupunta. Sana hindi. Di ko alam ang gagawin ko pag nakita ko siya. Wag na sana siyang dumagdag sa problema ko. Pero alam ni Juami kung nasaan ako. He knows me too well.
Tumayo ako at nagpunta sa may Lover’s Lane. Saan ba ako pwedeng pumunta na hindi nila alam? Ayoko munang may kumausap sa akin. Kailangan ko munang mag-isa.
I can’t think properly.
Hindi ko alam kung anong oras na. Madilim na ang paligid. Nandito pa rin ako sa Lover’s Lane. Buti na lang wala pang sumusunod sa akin. Pinatay ko din ang phone ko kaya hindi ko alam kung may nag-text or tumawag sa akin.
“Bakit mo ba ako hinihila papunta sa gym? Ha?” Tanong ng isang babae na naglalakad sa harap ko. “Kanina pa kaya tapos yung practice ng Tigers!”
“Hello, hindi naman kasi sila ang pupuntahan natin. Sabi ng friend ko nakita daw niya si Juami Tiongson sa labas ng QPav!”
“Juami Tiongson ng Ateneo? Bakit siya nandito?” Tanong ng isa pa nilang kasama.
Si Juami? Nasa labas ng QPav? Nasisiraan na ba siya ng bait? Pa’no pag nagkita sila ni Fort dun? Or worse, ni Papa?
Tumakbo ako at nabangga ko pa yung mga babae ng ‘di sinasadya. Kailangan kong puntahan si Juami bago pa may ibang players na makakita sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...