Raven’s POV
Sinundan ko ng tingin si Captain habang naglalakad siya papasok sa dorm nila. Tumalikod siya at nag-flying kiss pa kay Cheska bago ngumiti at tuluyan na ngang pumasok sa loob. Tumingin ako sa katabi ko. Hanggang tenga na ang ngiti niya.
Umiling na lang ako saka nag-simulang mag-drive papunta sa bahay ni Babe.
“Gising pa kaya si Papa?” Tanong niya nang mag-park ako sa labas ng gate nila.
“Aba malay ko. Papa mo kaya yun.” -___-
“Tara na nga. Dito ka din matutulog ‘di ba? Gabi na oh. Hindi ka na din papayagang ni Tita na umuwi ng ganito ka-late kung pwede ka namang dito na lang matulog.” Sabi ni Cheska. Ang titan a sinasabi niya ay si Mama.
“Sinabi ko bang uuwi ako?” Sabay na kaming lumabas ng kotse at naglakad papunta sa loob ng bahay nila.
Pinagbuksan kami ng pinto ni Manang Leah, kasama nila sa bahay. Mahal na mahal ako niyan eh. “Good evening Manang!” Bati ko saka siya hinalikan sa pisngi.
Ngumiti si Manang, “Nako ah. Kayong dalawa ginabi nanaman kayo.” Biglang dumapo ang tingin ni Manang sa mga bulaklak na hawak ni Cheska. Tumaas yung isang kilay niya pero hindi na lang muna siya nagtanong. Pabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa.
“Manang gising pa ba si Papa?” Tanong ni Cheska.
Umiling lang si Manang. “Kanina pa tulog. Alam mo naman yun pagkatapos ng bawa’t game gusto ng may pahinga.”
Nag-buntong hininga si Cheska. “Sige po Manang, salamat. Matutulog na kami.”
“Ay teka Raven, aayusin ko lang yung kwarto mo. Hindi ko pa napapalitan ng bed sheet yun. Maglalagay lang din ako ng bagong tuwalya.” Paalam ni Manang.
“Manang wag na po. Ako na lang mag-aasikaso nun. Matulog na po kayo. Dapat nga hindi na kayo gising ng ganitong oras.” Si Cheska.
“Sigurado ka Cheska? Baka may iba pa kayong kailangan.”
“Okay na po talaga. Good night Manang.”
“Good night Manang Leah!” Sabi ko bago sumunod kay Cheska paakyat ng hagdan.
“Feeling ko naghihinala na si Manang sa relasyon nating dalawa.” Pabiro kong sabi kay Cheska. “Lagi ba naman kasi tayong gabi ng umuuwi tapos ngayon nga may dala ka pang flowers.”
Tumigil siya sa paglalakad. Nasa kabilang side kasi ng second floor yung kwarto ni Cheska. Malayo sa room ng parents niya. Katabi lang ng guest room yung kaniya. Iisang balcony lang ang meron sa side na ito ng bahay pero malaki naman. May dalawang pinto papunta sa balcony. Yung isa nasa kwarto ni Cheska. Yung isa naman nasa guest room.
“Ha? Alam naman ni Manang na friends lang tayo noh.” Sagot niya.
“Oo nga. Pero pano pag sinabi ni Manang sa Papa mo. Mamaya kung ano pang isipin ni Tito.” Medyo kinabahan ako dun. Isa sa dahilan kung bakit alam kong bihira lang ang manliligaw ni Cheska kahit alam kong madaming nagkakagusto diyan ay si Tito. Nakakatakot kaya si Coach.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...