Chapter 30: [Family]

3.1K 24 12
                                    

                “Cheska?” Tawag sa akin ni Mama. Nasa loob kami ng kusina, naghahanda ng meryenda. Tumigil na ang ulan kanina. Hinihintay na lang nila Captain na humupa ang baha. Nasa sala sila ngayon nila Papa, nanonood ng TV.

                Napatingin ako kay Mama. Kakatapos ko lang mag-timpla ng juice. “Ano po yun Ma?”

                Nakangiti si Mama habang pinagmamasdan ako. “May kakaiba sa’yo ngayon.” Sabi niya.

                Ramdam kong namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. “Po? Ano naman po yun?”

                Umiling si Mama habang nakangiti pa rin. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. “Wala ‘nak. I’m just happy for you.” Bulong ni Mama bago kunin ang tray ng mga pinggan na naglalaman ng baked mac at mga sandwhich. Naglakad na siya papuntang sala.

                Alam na kaya ni Mama? Kaya ba yun ang sinabi niya sa’kin? Pero mukha namang wala siyang violent reaction. I sighed. Sana nga wala. Sana din masabi ko na kay Papa.

                Kinuha ko ang tray ng juice at ng mga baso bago sumunod sa kaniya.

                Pagpasok ko sa sala, si Captain agad ang unang hinanap ng mga mata ko. My heart leapt as our eyes met. Nakatingin na pala siya sa’kin habang nakangiti. Nag-blush ako. Gaano ba kasarap ispin na mahal din ako ng taong mahal ko? Hindi ko ma-explain ang feeling. Basta alam kong masaya ako. Sobrang saya ko.

                Tumayo si Captain at nilapitan ako bago kunin ang tray na hawak ko. “Ako na,” Sabi niya bago kumindat at pumunta sa coffee table at ibinaba ang mga hawak niya. Buti na lang busy na nanonood si Papa.

                Uupo na sana ako nang makita kong wala pa palang mga tinidor. “Kuha lang ako ng tinidor,” Pagpapaalam ko.

                Pabalik na sana ako ng sala habang hawak ang mga kinuha ko nang biglang may kamay na humila sa akin sa may hallway. Nasa tagong side kami ng hallway, sa harap ng pinto ng CR. Hindi ito kita sa sala o sa kusina.

                Humarap ako sa taong humila sa’kin.

                Si Captain.

                Nakangiti siya habang nakatitig sa’kin. “Hi,” bati niya.

                Umiwas ako ng tingin. Bakit ba ako nahihiya?

                Fort placed a finger under my chin and tilted my face up so he can look into my eyes. “May problema ba?” Tanong niya, the smile on his face was replaced with a worried frown.

                Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I affect him that much? Ganon na lang ba kalaki ang importance ko kay Captain na pati ang mood niya nagbabago kapag malungkot ako?

                Malamang. Mahal ka niya di ba?

                Parang hindi pa rin kasi nag-sisink in sa akin yun hanggang ngayon eh.

                Umiling na lang ako saka ngumiti. Ngumiti na din siya. “Miss you,” sabi niya saka ako hinalikan sa noo. Napapikit naman ako sandali.

                Ang isang kamay ko nakapatong sa chest niya. Hindi ko na-realize na mahigpit na pala ang hawak ko sa shirt niya. Tatanggalin ko na dapat ang kamay ko nang hawakan naman ito ni Captain at ibinalik uli sa dibdib niya. Muscles. Oh my God.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon