Chapter 24: [Rainy Day Part 2]

3.3K 30 12
                                    

Nasa may walkway na kami nang may maramdaman akong gumagapang sa paa ko.

                SHEEEET. ANG DAMING IPIS!

                Medyo baha na din kasi sa loob ng campus. Tumili ako. Muntik ng umakyat yung isa, buti na lang nasipa ko. Shet. Shet. Shet.

                “Boss?” Tumalikod si Captain. Napansin niyang hindi ako mapakali at talon ako ng talon.

                “Ipis…” Sabi ko na lang. “Ang daming ipis!”

                Natawa siya pero agad naman niyang ibinaba ang sarili niya habang nakatalikod. “Sakay ka na. Bubuhatin na kita.” Inabot niya sa akin yung payong.

                Hindi na ako nag-dalawang isip na sumakay sa likod niya. May isang army nanaman ng ipis ang susugod sa amin sa di kalayuan. Buti na lang mabilis akong nakarga ni Captain. Umalis na kami sa walkway at nasa gilid na kami ng kalsada. I wrapped my arms around his neck. Magkalapit lang ang mga mukha namin. My right cheek was almost pressing to his left cheek.

                “Takot ka pala sa ipis.” Natatawa niyang sabi. Binagalan niya maglakad.

                “Hindi ako takot. Nandidiri lang.” Sagot ko.

                “May dala ka bang extra na damit?” Tanong niya.

                Umiling ako. “Wala eh. Hindi ko nga napansin na madilim pala kaninang umalis ako ng bahay. Masyado kasi akong nagmamadali.”

                “Ako din. Normally naman nag-checheck ako ng news feed ko pag umaga para malaman kung may announcement pero these past few days hindi na ako masyadong nakakapag-online.” Sabi niya. “Hindi ka din naman kasi online eh.” Dagdag niya.

                Nakikita ko na yung kotse niya sa may harap ng Carpark. Malapit ito sa hospital. Nang makalapit kami, inabot niya sa akin yung susi. Bumaba naman ako at ako na ang nagbukas ng pinto. Sa likod kami pumwesto. Buti na lang medyo mainit dito sa loob. Nag-lean forward si Captain at pinaandar yung kotse niya. Binuksan niya lang yung heater.

                Tinanggal ko yung hoodie niya at isinuot yung jacket ko na naka-tupi sa passenger’s seat.

                “Okay ka na?” Tanong niya.

                Hindi pa ako nakakasagot pero tinanggal na niya yung sapatos ko pati na yung foot socks ko. Pinunasan din niya ito gamit ang towel na galing sa bag niya.

                “Okay na ko Captain. Ikaw? Basa pa yang damit mo oh.” Mahina kong sabi.

                “May extra shirt ako kaso nahihiya akong magpalit sa harap mo.” Nakangiti na siya. Nakakaasar yung ngiti niya.

                “Pipikit ako. Magbihis ka na.” Utos ko sa kaniya.

                “Mamanyakin mo ko eh.” Nag-pout siya.

                ANONG SINABI NIYA?

                “Hindi naman kasi eh! Pipikit na ko.”

                Natawa siya. After a few minutes nag-salita na uli si Captain. “Okay na. Pwede ka ng tumingin.”

                Nakapagpalit na nga siya. Nginitian niya ako. “Okay din pala ma-stranded dito sa UST paminsan minsan noh?”

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon