Chapter 35: [Of Course]

3.2K 31 20
                                    

                “Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay Fort. Nasa likod si Raven. He’s studiously ignoring us. Kami kasi ni Captain kapag nagsama walang pinipiling oras o lugar ang sweetness. Nasanay na din kasi. Hawak ni Captain ang kamay ko.

                Ngumiti si Fort bago tumingin sa akin. “Red Box daw. Nag-suggest kasi si Kim na mag-videoke.”

                “Red Box Trinoma?” Tanong ko.

                Tumango siya. He lifted our hands and he kissed the back of my palm before rubbing it against his cheek. Hindi na niya binaba yung kamay namin na magkahawak. Instead, he placed it on his chest, over his heart. This small gesture made me blush.

                Nang makarating kami sa Trinoma, umakyat kami agad. Nauna na yung ibang players sa amin. Si Teng may kasamang babae. They’re holding hands while walking. Nakita nila kami ni Fort at lumapit sila.

                “Cheska, si Elle.” Pagpapakilala ni Teng.

                I smiled before offering my hand to her. “Cheska Jarencio,” Sabi ko.

                She smiled as she shook my hand. “Elle Rivera,” Sagot niya.

                I looked at Fort. Nakangiti siya while looking at me. Si Teng naman nakangiti habang nakatitig kay Elle.

                I could feel an air of pride permeating the air in between us. Captain leaned in to kiss my forehead. “You’re so damn beautiful when you smile.”

                Siniko ko siya habang natatawa. “Cheesy na ah.”

                He placed his hand on my waist and pulled me against his side gently. Naglakad na uli kaming apat papunta sa taas.

                When we reached Red Box, we proceeded to the room the players rented. Pagpasok namin, napangiti agad ako. Ang gugulo kasi nila. Si Raven naman nakisabay pa.

                “Ako nga kasi unang kakanta!” Si Tata na inaagaw yung song book kay Ron.

                “Wag yan! Mas masarap yung fish and chips.” Si Raven na nakikipag-away kay Kevin sa pagpili ng pagkain.

                “Wrong idea atang pumayag ka sa ganito.” Bulong ni Captain sa akin. Umiling na lang ako habang nakangiti.

                “I don’t care. I just want to be with you. Na-miss kita Captain.” Sabi ko sa kaniya. I kissed his cheek.

                Mukhang nagulat siya. Ako kasi yung kusang nag-kiss sa kaniya this time. “Talagang tumutupad ka sa usapan ah.” Nakangiti niyang sabi.

                “Oo naman. Ako pa.” Sagot ko.

                Umupo na kami sa tabi nila Raven.

                Maya-maya, nagka-sundo na din sila sa pagkain at kung sinong unang kakanta. Walang nag-order ng alcohol. School day din kasi bukas.

                “Try this,” Si Captain. He was holding a small piece of food in his hand. Sinubo ko naman agad. He wiped the side of my mouth with the back of his fingers.

                Kumuha ako agad ng tissue para punasan yung kamay niya. “May tissue naman kasi eh,” Saway ko sa kaniya. Sinunod kong punasan ang gilid ng labi ko.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon