Third Person's POV (UST QPav)
“SHOWER NA!” Sigaw ni Coach sa mga players niya nang matapos ang practice nila. Kinuha niya ang mga gamit niya sa mesa malapit sa court at sandaling inisip kung ano pang kailangan niyang tapusin ngayong hapon. Maaga siyang makakauwi ngayon. Baka maunahan niya pa si Cheska. Sandaling nag-plano si Coach ng maaari nilang gawin bilang pamilya mamayang gabi. Naglalakad siya papunta sa mga players nang marinig niya ang pinag-uusapan nila.
Babae.
Napangiti si Coach at sandaling nakinig. Hindi alam ng mga players na malapit lang si Coach sa kinatatayuan nila.
“Ano na bang balak ni Fort? Hindi pa ba sila magsasabi?” Si Melo.
Nagtanggal ng jersey si Aljon bago umupo sa bench. “Ewan ko nga eh. Nakita mo naman siguro yung tweet niya nung Sabado ‘di ba?’
Tumango si Kim. “Ano ka ba. Kasama namin sila nun. ‘Di ba Kev?”
“Oo nga. Nakakahiya nga makisama sa dalawang yun eh. Parang walang ibang taong kasama kapag magkatabi sila.” Si Kevin.
“Sus,” Pangangantiyaw ng Co-Captain nila. Si Jeric Teng. “If I know naiinggit ka lang.” Itinaas niya ng konti ang suot na damit bago punasan ang katawan niya.
Si Karim nakikinig din sa usapan nila. “What’s taking him so long?”
Kim shrugged his shoulders. “Kilala naman natin si Captain eh. May dahilan naman siguro yun. Iba din kasi yung situation niya.”
Umiling si Teng. “Iba na kung iba pero alam naman nila pareho yung tama.”
“Sabagay,” Si Tata. “Dun din naman ang bagsak nun eh. Malalaman at malalaman din naman ni Coach na nililigawan ni Captain si Che-”
Hinampas ni Kevin ng tuwalya si Tata nang makita niya si Coach sa likod ni Kim. “Coach!”
Nakangiti lang si Coach. “May nililigawan na pala yang si Fort eh. Kaya ba laging ginaganahang mag-practice?”
“Ah oo Coach. Kaya nga siguro,”Si Tata. Isa-isa niyang tinapunan ng matalim na tingin ang mga kasama.
“Sino ba yan? Baka naman kilala ko.” Si Coach.
Kumunot ang noo ni Teng. “Kilala niyo nga po siguro.”
Siniko naman siya ni Aljon. Tinitigan lang siya ni Teng.
Saktong palabas ng locker room si Fort nang tawagin siya ni Coach. Lumapit agad si Captain bago siya inakbayan ni Coach.
“May nililigawan ka na pala Fort,” Nakangiting sabi ni Coach. “Sino naman yan?”
Nanlaki ang mga mata ni Captain saka niya tinignan ang mga teammates niya. Lahat sila mukhang guilty.
“Ah Coach kasi…” Aaminin na ba niya? Biglaan naman kasi ‘to eh. Gusto sana niya kasama niya si Cheska. “Nililigawan ko po si Che—”
“Si Chelsea!” Sigaw ni Kevin. “Nililigawan niya po si Chelsea.”
Kumunot ang noo ni Coach. Lahat sila napatingin kay Kevin. Si Fort naka-simangot na.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...