Chapter 16:[Just You]

3.7K 27 5
                                    

Nasa KFC kami ng friends ko. May group study para sa quiz bukas. Pagkatapos ng quiz, pwede na ulit akong manood ng practice ng team. Si Raven susunod daw kasi hindi pa nakaka-kain ng lunch. Kilala naman siya nila Alyson kaya okay lang sa kanila.

Kanina pa ako nakahawak sa leeg ko habang nagsusulat ng solution sa problem. Nangalay ako. 2am na kasi kami nagising ni Fort sa loob ng kotse niya. Buti na lang ‘di inabot ng mas late dun. Baka naabutan pa kami ni Papa kung sakali.

“Hi guys,” Bati ni Raven saka umupo sa right side ko. Bakante yung table sa left ko. Yung mahabang upuan ang napili naming na upuan para pag madami pang susunod, kaya pa. Sila Alyson at Mae nasa harap namin. Binati nila si Raven bago tumuloy sa pag-sagot ng handouts.

                “Babe, fries oh,” Sabi ni Raven bago inilapag yung pagkain sa harap ko. “Krushers din,”

                “Anong nakain mo? Bakit mo ako nilibre?” Tinitigan ko siya. Anong meron? Birthday ba niya?

                Lumapit siya sa akin saka bumulong, “Courtesy of Jeric Fortuna yan. Kung ayaw mo, akin na lang.”

                Natigilan naman ako. Nasabi ko nga pala na sa KFC kami mag-aaral nila Alyson ngayon. ‘Di ko naman alam na baka bigyan pala niya ako ng ganito.

                “Para saan daw?” Tanong ko.

                “Para daw ganahan kang mag-aral.” Sabi niya bago sumubo ng food niya.

                Ngumiti na lang ako bago sumubo ng fries. Hindi ko pa rin iginalaw yung leeg ko. Mukha tuloy akong tanga dito. Nakatabingi yung ulo habang kumakain.

                “Anong meron sa leeg mo?” Tanong ni Raven nang mapansin niyang may kakaiba sa akin.

                Umiling lang ako. Shet. Ang sakit talaga. “Wala.”

                Hinila niya yung kamay ko na nakahawak sa leeg ko. “ARAY!!”

                “Ikaw ah,” Sabi niya habang nakangiti ng nakaka-asar. “Anong ginawa mo kagabi?”

                “Wala nga ang kulit.” Inirapan ko siya.

                “May hickey ka noh? Kaya mo tinatakpan,”

                “Sira ulo,” Ang ingay nitong si Raven. Sarap hambalusin ng bag ko. “Masakit ba pag hickey?”

                “Eh malay mo sumobra sa—” Tinakpan ko na yung bunganga niya.

                “O sige sige, itutuloy pa eh,” Pagbabanta ko.

                Tinanggal niya yung kamay ko, “Sorry na. ‘To naman ‘di mabiro.”

                “Yung mga idea mo ng biro kakaibang level kaya.” Sana hindi na siya sumagot. Ibinalik ko na ang attensyon ko sa sinasagutan ko. Ang haba naman nito.

                “Hi Captain,” Sabi niya matapos lumunok. “Si Cheska oh,”

                “O tignan mo, yan yung sinasabi ko—”

                “Hi Boss,” Sabi ni Fort na biglang umupo sa table sa left ko.

                Bigla kong inangat yung ulo ko. Sa bilis ng ginawa ko, nakalimutan kong masakit nga pala yung leeg ko. I winced in pain. “Ouch,”

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon