“Cheska, I’m so sorry. Hindi ko alam na gagawin ni Paul ‘to.” Namumula pa rin ang mukha ni Travis. Kanina pa siya nag-sosorry sa akin. Sa itsura niya ngayon, kulang na lang siguro iuntog niya yung ulo niya sa upuan namin. Nasa pinakataas na kami, naka-stop kasi hindi pa tapos sumakay yung ibang tao sa baba.
“Travis okay lang talaga,” Siyempre ano pa bang sasabihin ko? Mamaya tumalon pa yan, kasalanan ko pa. “May mga tao talagang ganun. ‘Di ko din alam kung bakit meron pa silang friends.” Oo Raven, ikaw nga. -___-
Natawa naman siya. Okay na din siguro siya kahit papano.
“What Paul said a while ago…” Simula ni Travis. “Hindi naman sa love at first sight. Admiration lang talaga siguro.” Nagba-blush siya.
Ngumiti ako. “Hindi naman natin magiging kaibigang ang mga taong katulad ni Paul kung hindi nila tayo ipapahamak paminsan minsan.”
Natawa ulit siya. “May point ka. Siguro may friend ka din na tulad niya.”
Tumango ako. Biglang nag-vibrate yung phone ko.
Tumatawag si Captain.
“Hello?”
“Boss, okay ka lang?” May halong inis yung tono ng boses niya.
“Okay lang ako. Ikaw? Sorry Captain, hindi ako nakalabas agad.” Nasira tuloy yung date namin.
“Wag kang mag-sorry. Okay lang din ako. Hihintayin kita dito sa baba. Hihintayin ko din yung kaibigan ni Travis na tumulak sa’yo.” Na-iimagine ko na yung itsura ni Captain habang sinasabi yan. Nakakuyom na siguro yung kamay niya. Lagot ka Paul. >:)
“Nasaan ba siya?” Napatingin sa akin si Travis.
“Sumakay agad kanina sa Ferris Wheel nung kakausapin ko na eh.”
Natawa ako. “Natakot siguro sa itsura mo.”
“Sa gwapo kong ‘to, matatakot lang siya?”
“Woooow, nahiya naman ako sa hotness mo Captain.”
“Walang wala naman ako sa hotness mo Boss.” Tumawa siya. Nag-blush ako. Si Captain talaga. “Speaking of hotness, kumusta naman yung fan mo na na-love at first sight sa’yo?”
“Nakaupo siya ngayon sa harap ko.”
“I-loud speaker mo. I want to tell him something.”
“Ha? Hindi ba pwedeng ibigay ko na lang yung phone ko sa kaniya?”
“You have to hear what I’m going to say.”
Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.
“Okay.”
Ni-loud speaker ko yung phone ko saka lumapit konti kay Travis. “Captain, okay na.”
“Travis?” Si Fort.
Nagulat si Travis. “Uh yeah, I’m right here bro.”
“Anong pangalan ng friend mo kanina?”
Mukhang kinabahan yung katabi ko. Ngumiti lang ako. “Harmless si Fort,” Bulong ko.
“Hi Boss, I heard that.”
Natawa ako. “Sorry po.”
“Travis?” Si Fort uli.
“Uh, Paul. His name’s Paul.”
“Will you pass on a message for me?” Tanong ni Captain. Now this I want to hear.
“I guess.”
“Tell him na hindi na niya pwedeng ulitin yung ginawa niya kanina. As courtesy to Cheska na lang and respect sa akin.”
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...