Chapter 68: [Hate Me]

44 1 9
                                    

Jeric's POV

"Good luck, kuya Fort!"

Nilingon ko ang mga taong sumisigaw sa lowerbox area ng MOA arena. Kumaway ako sa kanila habang nakangiti. The other people beside them started cheering my name too.

A lot of people in the same section were holding up signs and yellow balloons. The best part of these games is always the UST crowd. They're one of the reasons why I want to do my best today. I also don't want to let my teammates down. I have a lot riding on my shoulders as the team captain.

"Cap," Tawag sa akin ni Teng. "Kumusta pakiramdam mo ngayon? Let us know if you feel any fatigue. I know coach already told you this but you can also tell us. We'll help each other out."

Ang swerte ko talaga sa mga 'to. "Salamat. Wag niyo akong isipin. Nakabawi naman ako sa pahinga these past few days. We're winning this game." Nakipag-apir si Teng sa akin.

"Kumusta kayo ni Cheska?" Umupo muna kaming dalawa habang hindi pa nagsisimula ang laban. Pinagmamasdan lang din namin ang iba naming teammates na nag-wawarm up ngayon. "Mukhang may umaaligid kahapon ah."

Sabi na eh. Hindi lang talaga ako ang nakapansin ng nangyari. I trust Cheska and I know that hug didn't mean anything to her the same way it probably meant to Lake. Bakit nga ba napapadalas ang pagdalaw nun kay Boss? Tapos nag-enroll pa sa UST. Minsan napapaisip ako kung talagang nananadya na siya eh. Bakod na bakod na si Boss sa amin ni Raven pero talagang nahahanapan pa rin niya ng paraang makipagkita kay Cheska.

Raven warned me about him and his sister. I don't exactly know what I have to look out for pagdating kay Ate Sky. Parang yung kapatid niya dapat ang mas bantayan ko, 'di ba?

Bakit nga din ba yun ang naisip ni Raven na gawin namin? Ang kausapin si Juami? I get that something happened in the past. I just don't know how Ate Sky fits into the bigger picture.

"Ah, si Lake. Kaibigan yun ni Cheska. Kapatid ng inaanak ni Coach." Yun na lang ang naisagot ko sa kaniya.

"You mean Sky Trinidad?" Kilala pala ni Teng yun? "I only know her because Coach introduced her to us when we passed by their seats sa patron area. She's watching the game with some friends."

Ate Sky was here? Nilinga ko ang paligid para mahanap siya. Nakaupo nga siya sa side ng Ateneo, directly behind their team's seats. Dati nga pala siyang nag-aral dun. "Is her brother with her?"

Napangiti si Teng. "Nope. No sign of the brother. Sige, Cap. I'll just warm up with Aljon and Karim."

Tumango ako at tinignan siyang maglakad papalayo.

"Fort," Tawag bigla sa akin ni Coach. Umupo siya sa kaninang pwesto ni Teng. "Ano man ang mangyari ngayon, wag mo masyadong papagurin ang sarili mo kung hindi na kaya. If at any point in the game gusto mong magpahinga, senyasan mo lang ako. Ilalabas muna kita."

"Salamat po, Coach. Pasensiya na din po talaga at kailangan niyo pang isipin 'to." Nahihiya ako na kailangan pa akong alalahanin ng ganito ni Coach. Maliban sa player niya ako, alam kong ginagawa niya din ito para kay Cheska.

"Wala yun, 'nak. Mas mahalaga sa akin na wala kang iniindang sakit kesa ang manalo ngayon. Isipin mo palagi na hindi lang ikaw ang maglalaro. Madami kang kasama na handang sumalo sa'yo." Tinapik niya ako sa balikat. "Sige, maiwan muna kita dito. Magpahinga ka muna konti bago ka sumali sa kanila dun." Itinuro niya sila Teng na nakapila sa free throw line.

"OMG! Did you see the photos on Twitter? Apparently Juami was seen talking to someone in a yellow shirt earlier."

Biglang pumintig ang tenga ko nang marinig ang pangalan ni Juami. Sino yung tinutukoy nilang kausap niya?

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon