"Alam mo, napapansin ko na kapag kasama mo si Lake o si Ate Sky, parang lagi kang namomroblema."
Napatingin ako kay Raven sandali habang naglalakad kami papasok ng mall. Tapos na ang mga klase namin ngayon at sinamahan niya ako dahil may labas kami nitong Sabado kasama sila Ate Sky. She invited us for a quick getaway in Batangas. Matagal na akong hindi nakakapag-beach kaya excited akong um-oo nang tanunging niya ako.
It's not without any restrictions though. Kaya din ako nandito ngayon kasama si Raven at hindi si Captain ay dahil napagalitan ako ni Papa sa nangyari sa kaniya. I recalled the conversation in my head.
"Cheska, anak naman, alam mong importante na hindi mapahamak si Fort o na madali pa ng kung ano. Kahit hindi UAAP, hindi pa rin tama na may masaktan ng ganiyan dahil lang sa ibang tao. Lalo pa at kaya namang iwasan."
My dad was so frustrated as he walked back and forth in front of me and Mama. Ni hindi na nga ako nagkaroon ng panahong sabihin sa kaniya ang nangyari dahil nagkita pala sila ni Captain sa school noong Linggo kaya wala si Papa sa bahay.
"Paano ngayon ang gagawin ko niyan? Ilang araw nanaman bago maging okay si Jeric. Nakiusap naman ako noon sa'yo hindi ba? At ano bang nangyayari at bigla namang nag-sunod sunod ang kamalasan ng batang 'yon?"
He continued ranting for a few more minutes. Mama threw me a sympathetic glance and leaned toward me to give my hand a comforting squeeze.
"Pumutok pa yang balitang yan tungkol kay Fort at Juami. Kung nasaktan nila ang isa't-isa noong Sabado, baka nga ma-suspend pa sila pareho at hindi makapag-laro. Matao pa naman ang lugar na 'yon. Hindi man lang ba yan pumasok sa isip niyo?"
Honestly, hindi. Sa sobrang tipsy ko noon, hindi na din ako nakapag-isip ng maayos. Tama si Papa. Naging careless ako.
He sighed heavily. Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha bago napatingin sa akin. Nakakunot pa rin ang noo niya. "Wala munang makikipagkita kay Fort. Mag-lie low muna kayo ng isang linggo. Pagsabihan mo din yang si Juami kung nag-uusap pa rin kayo. No physical contact or interaction of any kind in person before the next game."
"Papa!" Angal ko. Kahit pa tanggap ko naman ang ano mang gustong mangyari ni Papa, pakiramdam ko sobra naman ata ang hinihingi niya. That's more than a week of not being able to see Jeric in person! Baka kahit sa practice ay hindi niya ako payagang manood.
Pinigilan ako ni Mama. "Anak, sige na. Sandali lang iyon. Pagbigyan mo na ang Papa mo. Tandaan mong trabaho niya din ang nakasalalay dito."
That quickly shut me up. I keep forgetting this is more than a family matter now. Papa is Jeric's coach. They had a professional relationship to maintain and I was making it difficult for them.
He crossed his arms over his chest and stared at me, silently challenging me to contest his order. "My decision is final."
"Aray!" Nakapila kami papasok sa entrance at hindi ko namalayang napahinto pala si Raven sa harap ko kaya nabangga ko siya. "Huy, okay ka lang ba?"
"Ayos lang ako. Iniisip ko lang ang napag-usapan namin ni Papa."
"Umuusok siguro ilong ni coach nun. Kaya hindi muna ako pumupunta sa inyo. Baka madamay pa ako. Alam pa naman niyang kasama mo ako that time." Natatawang sabi ni Raven.
Itinuro ko ang salon nang madaanan namin iyon. Wala sana akong balak magpagupit pero mahaba na din kasi ang buhok ko. Baka mas okay na din para hindi ako makilala agad ng mga tao kung sakali mang makita nila akong kasama ni Fort?
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...