Chapter 18:[Prelude to a Date]

3.8K 33 8
                                    

                Bigla akong binitawan ni Fort. Lumapit naman sa amin si Papa at si Raven. Ang sama ng tingin sa amin ni Papa. Nakita niyang hawak ni Fort yung mukha ko kanina. Nako patay na. Aamin na ba kami?

                “Papa,” Mahina kong sabi bago lumapit sa kaniya. Hindi pa ako ready. Kahit pa sabihin ni Papa na okay lang sa kaniya, alam kong mahirap pa rin marinig yung sasabihin naming ni Fort. Gusto ko na din namang sabihin pero wag sa ganitong paraan. Not after what happened.

                Tumingin sa akin si Fort. Hindi ko din alam ang sasabihin ko sa kaniya.

                “Sabi sa’yo Coach nahanap na namin siya.” Si Raven na pilit na pinapagaan ang sitwasyon.

                “’Nak anong nangyari? May nakakita daw sa’yo sa staff ko na tumakbo palabas ng gym. May problema ba?” Sabay tingin sa tabi ko kung saan nakatayo si Fort.

                Umiling ako. “Wala naman po Papa. May nakalimutan lang ako kanina kaya nagmamadali akong lumabas.” Hindi ko pwedeng sabihin yung nangyari kanina sa gym. Baka pagbuntungan ni Papa ng galit si Fort.

                “Oh bakit nandito ko pa? At kasama mo pa itong si Fort. Bakit hawak pala niya mukha mo kanina?” Tinitigan ni Papa si Fort. “Bakit mo hawak yung mukha ng anak ko?”

                “Kasi Papa—” Simula ko pero pinigilan ako ni Fort.

                “Kasi po Coach, napuwing siya. Hinipan ko lang. Medyo malaki kasi yung naka-puwing kay Cheska. Okay naman na ‘di ba?” Biglang tumingin sa akin si Fort.

                Anong sinasabi niya? Pero naki-ride na lang din ako. “Ah opo Pa. Napuwing lang ako.”

                Tumango si Papa. “Kaya pala mukha kang naiyak ‘nak.”

                Natigilan ako. “O-opo Papa. Yun nga.” Bakit ba sobrang halata pagkatapos kong umiyak? Ano bang meron sa mukha ko at napapansin nila yun agad?

                “Sige ‘nak uwi na kayo ni Raven. Game na kasi bukas kaya may meeting kami ng staff.” Sabi ni Papa bago lumapit sa akin. Hinalikan ko naman siya sa pisngi bago siya umalis. “Sige po Papa. Sabihin ko na lang kay Mama. Ingat po.”

                “Ingat din,” Lumingon si Papa saka tinignan si Fort. “Umuwi ka na din. Wala ng lakwatsa.”

                Tumango si Captain. “Opo Coach,”

                Si Raven biglang yumuko at ipinatong ang dalawang kamay niya sa mga tuhod niya. “Woooh,” Sabi niya. Ngayon ko lang napansin na kinakabahan pala siya. “Ang hirap naman gumawa ng alibi sa Papa mo Cheska. Nakakatakot.”

                “Okay ka lang? Ano ba kasing nangyari?” Tanong ko sa kaniya.

                “Hinahanap ka nga kasi sa’kin. Eh may mga babaeng dumaan kanina sa harap ko na sinabi ngang nandito daw si Juami. So tumakbo naman ako agad papuntang QPav. Palabas na si Coach kanina nung nakita ko kayo ni Fort,” Tumigil siya saka kami tinignan pareho ni Fort. “Kayo nga, kung wala pa kayong balak ipaalam sa iba, awat muna sa PDA. Utang na loob, mahirap mag-explain.”

                Natawa si Fort bago ako akbayan at inilapit sa kaniya. “Sorry bro. Pero salamat din. Sasabihin ko na talaga kay Coach. Naghahanap lang ng matinong tiyempo.”

                “Buti naman,” Sagot ni Raven na inayos na ang tayo. “So ikaw maghahatid kay Cheska?”

                Tumango si Fort. “Dito ka lang muna Boss. Kunin ko lang kotse ko.” Pinisil niya sandali ang pisngi ko bago siya nag-jog palayo.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon