Kahit late na akong natulog kagabi dahil medyo napahaba ang usapan namin sa text ni Fort, maganda pa rin ang gising ko. Pati sila Papa napansin atang may kakaiba sa akin kasi hindi naman ako normally kumakain ng breakfast ng nakangiti. Lagi kasi akong nagmamadali. Pero ngayon talaga I’m taking my time with things.
Kaya pagdating sa school, pati yung mga kaibigan ko nagtataka sa mga ikinikilos ko.
“Parang lutang si Cheska ngayon. Tignan mo oh,” Tinitigan nila ako. Nginitian ko lang sila. “’Di ba? Ang creepy,”
Eh kung kayo ba naman kasi nasa lugar ko, hindi din ba kayo magiging high sa sobrang saya at kilig?
Kaso sa sobrang saya ko, nakalimutan kong magdala ng jacket. Sa may bandang gitna pa naman ako nakaupo kaya nakatapat sa akin yung aircon. Teka, may naiwan ata akong jacket sa sasakyan ni Raven!
Inilabas ko naman agad yung phone ko para i-text siya.
Sakto namang may text agad ako.
----
From: Captain ♥
Good Morning, Beautiful. ;-) Pangalan at mukha mo agad ang pumasok sa isip ko pagkagising ko. Swerte mo din noh? Haha. Kidding. I miss you already. :-)
---
Buti na lang mahigpit yung hawak ko sa phone ko. Kung masakit na sa pisngi yung ngiti ko kanina, ngayon mukhang mapupunit na yung cheeks ko sa laki ng ngiti ko. Ang sweet naman ni Captain!
---
To: Captain ♥
Good Morning, Captain. You really know how to make a girl smile. Ikaw nga yung swerte, bihira lang ako magkaganito. :) Jk. :P
---
From: Captain ♥
Wag ka namang ganyan. Baka mamaya puntahan kita. Gusto ko kasi makita yung smile mo, para maaga pa lang, kumpleto na yung araw ko. ;-)
---
To: Captain ♥
Wag mong sabihin yan. Gawin mo! Haha. Uuuy, kidding din! Ssh na. Start na class ko. Mamaya uli?
---
Hindi ko na hinintay yung reply niya. Itinago ko na lang yung phone ko kasi pumasok na yung prof namin ng first period.
Matapos ang dalawang period, nangangatog na ako sa lamig. Nasan na kaya si Raven? Sana naman nasa baba na yun. May 10-minute break kami. Ngayon lang ako pwedeng bumaba.
Tinignan ko kung may text ako galing sa kanya. Meron nga. Kapapasok lang. Bumaba na daw ako.
Mabilis naman akong lumabas sa classroom. Buti na lang medyo mainit dito sa hallway.
BINABASA MO ANG
Lagot Ka Kay Coach
FanfictionPaano kung ang nag-iisang anak ni Coach Pido ang center of attention ng Growling Tigers? Paano kung biglang magka-interes kay Cheska Jarencio ang Captain ng team na si Jeric Fortuna? Isa lang naman ang kailangan mong tandaan pag niligawan mo si Ches...