Chapter 23: [Rainy Day Part 1]

3.3K 29 10
                                    

*We watch the season pull up its own stakes… Catch the last weekend of the last week… Before the gold and the glimmer have been replaced…*                  

                Saan nanggagaling yung ingay na yun? Ang aga aga eh. Anong oras na ba? Nakapikit ako habang kinakapa yung phone ko sa ilalim ng unan ko. Pinindot ko ang call button para sagutin ang tawag.

                “Hello?” Sabi ko sa garalgal na boses. Halatang bagong gising pa lang ako.

                “Good morning Boss!” Masiglang bati ni Captain sa kabilang linya.

                “Ehhh…” Angal ko na humiga ulit. “Five minutes pa.”

                “Bangon na.” Demand niya. His tone was amused. “Ang cute mo pala pag ginigising ka.”

                Hindi ako sumagot. Nakatulog ata ulit ako.

                “BOSS!” Sigaw niya. Bigla akong bumangon sa kama.

                “I’m up. I’m up. Quit shouting.”

                Natawa na lang si Captain. “Baka mas gaganahan kang gumising kapag sinabi ko sa’yong susunduin kita.”

                Nagkamot ako ng mata gamit ang isang kamay ko. Humikab ako ng mahina. Ano nga yung sinabi niya?

                “God, you are so adorable, gusto na talaga kitang makita.” Sabi ni Captain. I think he’s smiling.

                Napangiti din ako. “You have to wait until after practice before you can see me Captain.”

                “Guess again,” Sabi niya. “Nakita mo na ba kung anong oras na?” Tanong niya.

                Obviously hindi pa. Tumingin ako sa digital clock ko na nasa bed side table ko. The blue numbers were bright in my still dark room. Teka. Bakit ang dilim pa?

                3:45 am… 3:45 AM PA LANG???

                “Ang aga mong nang-gising Captain! Dinaig mo pa ang mga may fieldtrip. Sa Lacson ka lang naman at 30 minutes away lang naman ako sa UST.”

                Natawa na lang ulit siya. “Excited kasi ako. And can you blame me kung ikaw naman ang dahilan ng excitement ko?”

                Hindi ko alam kung makikipag-argue pa ako. Gusto ko na din kasi siyang makita. Ano nanaman kaya ang binabalak niya?

                “Kita tayo sa Lover’s Lane ng 5:30 am, okay lang Boss?” Tanong niya.

                “Sige. Dadaan lang ako sa Starbucks mamaya.” Sagot ko.

                “No need. Ako na ang bahala. Wag kalimutan ang hoodie ko.” Pagpapaalala niya. Nasa akin pa nga pala yung gray hoodie niya. At nasa kaniya pa rin yung jacket ko.

                “Okay. Text na lang kita bago ako umalis. Bye,”

                “Bye Boss,”

                Naligo naman na ako agad pagkatapos kong i-end ang tawag. Ang lamig ng tubig. Ako pa lang ata ang gising sa bahay.

                Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, bumaba na ako sa kusina. 4:30 na pala. Kakagising lang din ni Manang Leah. Nagulat siyang makita ako na nakabihis na.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon