Chapter 26: [Good Night]

3.2K 27 16
                                    

Hindi na tuloy ang dinner namin mamaya  dahil hindi na din makakapunta yung iba. Baha na din kasi sa ilang lugar na tinitirahan ng ibang players kaya hindi na din kaya. Hindi ko alam kung anong plano ni Fort at Raven mamaya paghatid sa akin ng bahay pero sila na daw ang bahala. Si Raven naghihintay na daw sa may labas ng bahay. Si Captain naman niyaya na agad akong umuwi nang tumigil ang ulan. Kailangan na daw naming mag-take advantage baka kasi lalo daw lumala mamaya.

“’Di ba wala namang bagyo?” Tanong niya sa akin habang nag-dadrive. Malapit na kami sa subdivision namin.

“Wala sa pagkakaalam ko. Pero grabe namang ulan ‘to kung walang bagyo.” Sagot ko. Nagbihis na ako ng uniform kanina bago kami umalis.

Naalala ko nanaman ang bilin sa akin ni Tata at Ron nang aalis na kami. Niyakap ako ni Tata nang makalabas ng pinto si Captain. Si Ron naman nakatayo malapit sa amin.

“Ingatan mo si Fort ah. Alam naming dapat siya ang mag-alaga sa’yo at alam naman naming kayang-kaya niya yun, baka nga sumobra pa. Pero sana alagaan mo din siya, love him the way he loves you. Mahal na mahal namin yan eh.” Bulong ni Tata saka ngumiti.

Si Ron naman kinindatan ako. “Alam mo na yun Cheska.”

Ngumiti na lang ako bago nagpaalam sa kanila pareho.

My thoughts returned to the present moment as I stared at Jeric sitting beside me. Sandali ko siyang pinagmasdan. The corner of his lips turned up into a half-smile.

“Baka matunaw ako Boss,” sabi niya.

I blushed. Nahuli nanaman niya akong tumitingin. Paano niya nagagawa yun? Ni hindi man lang siya tumingin sa akin kanina.

                “Ingatan mo si Fort…”

                Paulit ulit yang tumatakbo sa isip ko. I inhaled deeply as I sighed. That’s a tall order.

                “Okay ka lang?” Tanong ni Captain. He reached for my left hand which was resting on my lap. He rubbed small circles behind my palm. I smiled. I love it when he does that.

                “Never been better, never been happier,” Sagot ko bago hawakan ang kamay niya gamit ang dalawang kamay ko, squeezing it tighter.

                “Alam mo, ngayon ko lang na-grasp ang full meaning ng kantang Passenger Seat.” Sabi niya saka uli ngumiti sa direksyon ko. Actually, hindi na natanggal yung ngiti niya simula kanina.

                “Passenger Seat… Passenger Seat… Hmm… Familiar pero hindi ko na maalala. Baka maalala ko kapag kinanta mo…” Pabiro kong sabi sa kaniya.

                Natawa siya. “Abuso much…”

                “Told you I’m a spoiled soon-to-be girlfriend, kasalanan mo din naman.” Tawa ko as he turned the corner to our street. Natatanaw ko na ang sasakyan ni Raven. Nasa loob siguro siya. Umaambon pa rin kasi.

                “Aba edi okay na! At least kasalanan ko kung bakit spoiled soon-to-be girlfriend ka. Masama kung hindi ako ang may kagagawan ‘di ba?” Sagot niya.

                “True,” Bulong ko. “Still… spoiled soon-to-be girlfriend pa rin.”

                Huminto na kami sa tapat ng bahay. Biglang humigpit ang hawak ni Fort sa kamay ko. Ang bilis niyang tumingin sa akin. Parang ngayon lang nag-sink in sa kaniya yung sinabi ko kanina.

                “Soon-to-be girlfriend?” Tanong niya.

                “SPOILED soon-to-be girlfriend,” Pagtatama ko sa kaniya.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon