Chapter 48: [The Bet]

2.7K 29 5
                                    

“’Di ba siya yung kasama ni Fort sa picture? Yung nasa twitter niya?” Rinig kong tanong ng isang babae sa hallway.

                I’ve been getting weird looks as I climbed up to the 4th floor of our building. Lahat sila ang pangalan namin ni Captain ang binibigkas. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. I try not to look at anyone as I walk pero mahirap kasi naririnig ko pa rin ang mga sinasabi nila.

                “Siya ba yun? ‘Di ba anak ni Coach Pido yan?” Tanong ng isang babae na nakatayo malapit sa room namin.

                “Yup. Kaya siguro close na talaga siya sa Tigers.” Sagot ng kasama niya.

                Lalo akong napayuko. Grabe na ‘to ah.

                Pumasok na agad ako ng classroom bago ko pa marinig ang susunod na sasabihin nila.

                “CHESKA!” Sigaw ni Alyson nang makita niya ako. “So official na nga? Nililigawan ka na talaga ni Captain?”

                “Parang matagal na nating napag-usapan yan. Nililigawan na nga niya ako.” Sagot ko.

                “As in alam na din ni Coach?” Si Mae.

                Tumango ako.

                Biglang lumapit sa amin ang mga tao sa loob ng classroom.

                “Grabe Cheska! Akala ko pa naman man hater ka, or may balak ka mag-madre in the future kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Tapos boom, biglang si Jeric Fortuna pa ang nabingwit mo!” Si Jea.

                Natawa ako. That’s not possible. Hindi ako ang nakabingwit kay Captain. I’m the one who’s on his hook.

                “Wait!” Singit ni Rhayzon, classmate namin. “Nagpapaligaw ka pala Cheska?”

                Umiling ako. “Nagpapaligaw naman pero wala lang talagang gustong manligaw noon.”

                “Anong wala?” Si Isabelle. “’Di ba Rhayzon—” Hindi ko na nalaman ang susunod niyang sasabihin kasi tinakpan na ni Rhayzon ang bibig niya.

                “Wow,” React ni Alyson sa tabi ko, na parang ngayon lang nag-sink in sa kaniya ang balita. “Kaibigan ko ang nililigawan at mahal ni Jeric Fortuna.”

                Naalala ko nga palang crush ni Alyson si Fort. “Okay lang sa’yo?”

                “Ano ka ba? Crush ko lang naman siya eh. Matagal ko ng tanggap na wala kaming chance ni Fort noh. Forever fanzoned kaya ako. Saka mas gugustuhin ko ng sa’yo siya mapunta! At least kilala kita at alam kong karapa’t-dapat ka sakaniya.” Sagot ni Alyson. Ang haba ng sinabi niya.

                “Ang swerte mo Cheska!” Si Jea.

                Tumango ako. Ang swerte ko nga talaga.

                Pumasok na ang prof naming for the next period kaya wala ng napag-usapan hanggang matapos ang klase.

                Paalis na kami nila Mae at Alyson ng classroom nang tawagin ako ni Jea.

                “Cheska!” Hingal na hingal siyang lumapit sa akin. “Sa courtyard… May naghahanap sa’yo… Si…”

                Tatanungin ko pa lang dapat kung sino ang nakita ko na nang marinig ko ang mga tili na galing sa di kalayuan.

Lagot Ka Kay CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon